habang nagpipicturan kami kasabay ng pagplay ng bagong kanta, lumapit sya at tinanong kung pwede ba daw akong isayaw. eto naman ako medyo pakipot haha hindi ko lang masabi na sya nga yung hinihintay ko from the very start. na akala ko hindi nya ako isasayaw kasi wala nman ako sakanya kundi isang seatmate sa klase. haha pero feel ko sinabihan lang sya ng mga kaibigan ko para isayaw ako. hmm medyo halata kasi pero diko na pinansin at inenjoy ko nalang yung moment na atleast sinayaw ako.hahaha. then yon, nung pababa na kami sa hagdan (sa bleachers kasi kami nakaupo) hinawakan nya yung kamay ko na sobrang ikinagulat ko. tas dinala nya ako sa pinaka gitna (eksena e) hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. tapos nung sasayaw na kami biglang pinatay yung ilaw (medyo dim lang kasi nung una) tas binuksan yung party lights. sobrang sweet at sakto ng moment na yon. from song to lights to moment na feel kong ang loner ko sa ganda kong to. charÂ
Tapos, sya din yung last dance ko. waaah!! kasi nirequest nya through mic na love song daw ang patugtugin. tas yon nagplay na ulit yung kanta tas papalapit sya samin, kinabahan pako kasi baka hindi ako ang assuming ko na kasi minsan. pero ayun nilend nya yung kamay nya at tinanong kung pwede ulit akong isayaw. hahaha! syempre tumayo na kagad ako. wala ng pakipot effect. 10 mins nalang daw kasi sabi ni sir joey at last na daw yon. tas doon ulit kami sa pinaka center. this time madami na kaming napagusapan sa isang saglit ng aming pagsasayaw. tas nung patapos na yung kanta bumalik na kami habang nagsasayaw padin (yung parang sa mga cotillion) hahaha at ayon sobrang ingat nyang binatawan ang aking kamay. haaay ang sweet lang talaga. first time yung ganong klaseng moment e.
tas nung sinayaw nya ako nung una, madami pa syang sinayaw na iiba pero ako parin yung napili nyang last dance. sakin parin talaga ang bagsak. whut?! hahaha okay enough na assumengera talaga.Â
pero crush ko lang nman sya. sweet lang talaga yung moment sobrang sakto pang movie. haaaaay <3Â