Aligaga sa Balentayns.
Ilang araw na lang at Valentine's Day na. May ka-date ka na ba? Anong plano mo para pakiligin siya? Ah, tsokolate at bulaklak, tapos kain sa labas. Nood sine na din kung ma-tripan. Hmm, bahala na. Pero kung gusto mo ng tips sige magkukwento ako ng mga kilig gimik para sa balentayns. ☺
Love Letter.
"Ang makita ka ang nagiging motibasyon ko upang pumasok pa. Kahit madalas mukha kang masungit, hindi ko maiwasang hindi ka masulyapan kahit saglit. Gusto kitang lapitan nguni't kapag nakikita ko ang ngiti mo, kahit minsa'y pilit, pakiramdam ko humihinto ang mundo ko sa pag-ikit. Gusto kitang kausapin nguni't sa tuwing nadidinig ko ang iyong tinig, utal na ang dila at natutuliro na ang isip. Kaya't dinaan ko sa liham pagka't 'di na ito kaya pang ilihim."
Habang tumatagal, nawawala na ang nakakakilig na love letters. Dahil sabi nga pwede na ito sa text, pwede na sa facebook at sa kung anu-ano pang gawa ng teknolohiya. Pero ang totoo, walang tatalo sa sulat-kamay na liham.
Love Letter with Gimik.
"Ikaw ang isa sa mga pinakaimportanteng kaibigan ko. Kaya gusto ko sanang ipakilala sa'yo ang nagpapatibok ng puso ko at ang nagpapasaya sa akin. Gusto ko sanang ilarawan siya sa'yo nguni't alam kong hindi sasapat ang mga salita. Kaya mamaya bago umuwi, pumunta ka sa computer room. Ipapakilala kita sa kanya at magtatapat na din ako."
Sa computer room, may mga nakakalat na rosas. Halos lahat ng kaibigan ko at niya ay nandoon din. Nilapitan niya ako at niyaya sa loob. Nadinig ko na tumugtog ang isang kanta ng MYMP. Lahat sila nakatingin sa amin. Napansin kong pati Computer teacher namin andoon, nakangiting nakatingin sa amin. "Anong nangyayari?" sa isip isip ko.
Siya: Yung sinasabi ko sa'yo sa sulat.. Ikaw yun.
READ MORE->










