Oh yeah, ilang oras na lang bagong taon na ulit. Masaya na malungkot. Excited na nakakaEmo. Haha! Di ko alam bakit... 🤔
Well, masaya naman ang 2017 ko. Nakaraos naman. May nakakain kami, napupuntahan namin gusto naming puntahan at wala namang nagkasakit sa’min. Meron pero simpleng sakit lang. Di naman nahantong sa hospital bed so healthy pa din naman kami lahat. Salamat sa Diyos! 🙏🏼
Ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat. Yung pagkakaron ko ng work sa kalagitnaan ng taon at naging regular employee din nitong huling buwan ng taon. Yey! 😉 Nadagdagan na naman ako ng friends at ng kinakainisan din. Haha. Char! Pero dapat ko din kasi ipagpasalamat yun eh. Para mas makita ko how blessed I am. Di ba?
Minsan kasi aminin natin na kahit ang dami ng biyaya ang dami pa ding hinahanap. Ako naman minsan ganon din. Yung bakit parang ako wala pero sila meron? Yung feeling ko ang bait ko na pero bakit sila ata yung mas pinagpala kesa sa’kin? Saka ko iisipin at bibilangin yung mga bagay na meron ako. Dun ako. Sa kung anong meron ako. Mahirap maghanap ng wala sa’yo kasi di ka magiging masaya. Pero siyempre nagpePray ka pa din at nananalig na magkakaron ka din nun, kung ano man yun. 🤪
Masarap balikan yung mga araw na lumipas, masasayang araw, mga nakakainis at nakakabadtrip na araw na pagnaalala mo matatawa ka na lang sa kagagahan mo. Hihi.
Nakakatakot din. Kasi ang bilis ng panahon noh? Pipikit ka lang pagdilat mo panibagong araw na. Dapat ba ienjoy lang lahat? Marami akong gustong gawin eh, kaya ko kaya? Kelan ko kaya magagawa yun? Kaso madalas nauubos na oras ko sa pagtunganga. Haha.
Basta ngayon alam ko masaya ako. Sa pamilya na meron ako, sa buhay na meron ako, sa trabaho, sa kaibigan, sa lahat ng bagay na meron ako. Kung meron mang dumating na biyaya na mas higit pa sa meron ako, aba e ok yun! Kung may pagsubok, sige ok lang din. Kaya ko yan. Handa ako diyan. Dasal lang ang katapat niyan! Hehe.