Naalala ko tuloy yung gabing yun. Yung gabing uminom kami ng friends ko sa Baguio, after nung Freshie Ball, kasama ng ibang lalaking hindi naman namin ka-close.
Haha! Grabe yun, naka-ilang shots din kami. Ilang pitcher din ng Hangover yung naubos namin.
At may ilang pangyayaring sobrang tumatak sakin na hanggang ngayon hindi ako makapg-decide kung pinagsisisihan ko ba o hindi. Ang kapal ng mukha naming umuwi pa sa dorm nun, kahit medyo tipsy na kami. Lalo na yung iba naming kasama, na halata na ngang lasing e umuwi pa rin.
Nakaka-amaze din ang nagagawa ng kalasingan. Binigyan ako ng lakas ng loob na sumandal kay Keevo. Hahaha. Ang kapal talaga ng mukha ko, sinandalan ko siya tapos sinabi ko sa grupo namin na, "Ambango ni Kuya Keevo." Grabe lang. Sobrang nahiya na 'ko magpakita sa kanya nun. Lalo na dumating yung Meeting De Avance tapos may appearance siya sa harap tapos nagkatitigan pa kami, jusko feeling ko naalala niya yung ginawa ko. Nakakahiya man, pero ayos lang, mabango naman siya, at medyo crush ko siya nun kasi gwapo.
Pero iba yung type niya. Hahahaha. Anyways, yung gabing yung ay isa yata sa pinaka-unforgettable kong gabi. Kumakaway pa 'ko kila Gilbert at Pachy nung pasakay na kami sa taxi, pero hindi naman kami magkakilala. Tapos inaway ko pa si Mao, gago kasi eh. Hahaha. Manyak alert!
Sobrang saya nung gabing yun, hanggang paggising namin, tawa kami ng tawa.