Hindi kita mapipigilan kung sakaling umalis ka, inaamin kong wala na akong maibibigay higit pa sa pag ibig, oras at atensyon itinutuon ko para sayo. Inaamin kong wala na akong maibibigay higit pa doon.
Di ko mabigay sayo ang buwan sapagkat kaya parin kitang samahan sa pag tanaw nito, di ko rin kayang mabigay sayo ang mga bituin ngunit kaya kong isang maging para sayo araw araw. Wala na akong kayang e bigay na mas higit pa sa binibigay ko sayo ngayun. Mahal kita at mas mamahalin pa.
Kaya kung gustu mong lumisan, kung nagsasawa kana sa pag lakad lakad sa ilalim ng buwan at mga bituin, kung ayaw mo na akong kasama mabasa sa ulan, kumain ng sabay, kung ayaw mo na akong kasama sa lilim ng iyung mga pighati, kung ayaw mo ng lumaban kasama ako sa magulong mundo, kung ayaw mo ng bigyan kita ng ngiti sa labi, samahan ka papauwi, iiyak dahil sa lungkot, tumakbo sa trapiko, kung ayaw mo na, hindi kita pipigilan, at hindi rin kita ma sisisi. Kayraming mga bagay na mas hihigit pa, kung saan alam kong karapatdapat para sayo, peru sana naman maunawaan mo, na higit kana sa isang libong bagay para sa kaligayahang pinapangarap ko.
- love kuting (kdmsm)
2020
Photo by: unknown















