Kalidad, Kayamanan, Katalinuhan
Ano ang mahusay na edukasyon?
Gaano ba ito kaimportante sa sibilasisyon?
Ito ba ay nakasalalay sa paaralan?
Ito ba ay nasa estudyante at sa kanyang natutunan?
Totoo ba na mas mainam sa pampribado,
kumpara sa paaralang pampubliko?
Marami ang sang-ayon na kapag mas mahal ang binabayaran,
mas maganda ang turo at serbisyo ng eskwelehan
Ngunit, paano na ang hindi gaanong biniyayaan?
Na kung minsa'y ang nilalakbay pa ilang ilog at kagubatan?
Makikita ba ito sa nalalaman ng mag-aaral?
Sa kanyang isip, kilos, ugali at asal?
Paano ba natin masusukat ang kalidad ng edukasyon?
Ang ating mga basehan ba ay kaalaman, kayamanan at aksyon?