Ang hirap pala mag-Self-Learning, Lord. Why naman ganon?
Sasamahan pa ng iba't-ibang responsibilidad sa buhay. Kung paano ang leadership mo sa Day Care, paano mo masosolusyunan ang binubully mong anak, paano ang gagawing strategy para makabenta sa traditional business mo sa community na swerte na kapag may bumili ng halagang 100 per day, paano ka rin makakaattract ng kliyente sa ibang online business mo pa, pati mga plans ko, naging drawing na muna tuloy dahil kailangan mo rin isipin na kung nakakain ka ngayon, paano na naman ulit kinabukasan.
Tapos ipepressure ka ng mga bayarin, ipepressure ka na magkaroon ng options na mag-aral o magwork na ulit o lumayo naman ng bansa, ipepressure ka na kahit galit ka, inis ka o malungkot ka, eh dapat ipakita mo na magaling ka at matatag ka kasi para di ka makahawa ng nega vibes Tapos ipepressure ka ng health mo na dapat makasabay sa sigla ng mga anak mo, para makatulong ka pa sa parents at asawa mo, para magampanan mo ang tulong mo sa ibang tao at para di ka masiraan ng bait pagdating ng araw.
Hay, Lord.. Kung payayamanin mo rin naman ako balang-araw, baka pwedeng pa-bale muna kahit 100k lang. Nakakapagod palang maging tao. Wala man lang Early Warning Device.





















