Kapamunuan ng mga kalalakihan o ng ama, na kung tawagiây patriarchy, mga kababaihan, mga gawaing âdi naman kinakailangang masamain at bastusin, iyaây iilan lamang sa samuât saring mga isyu na kinakaharap ng mundo at isinasalamin ng pamumuhay ng mga pilipino. Katotohanan ng kasalukuyan na ang ama ang namumuno ng pamilya, na ang kalalakihan ang kalakasan at ang tinitingala at inaasahang bumuhay sa asawaât mga anak nito. Hindi nakasasama ang kaisipang ito sapagkat tunay na mas malakas ang mga kalalakihan kung pisikal na anyo ang usapan o batayan, ngunit itoây binastos. Binastos sa pamamaraan na kapag ang mga kalakasan ng mga kalalakihan ay nawalaây mawawalan din ito ng silbi sa lipunan. Ehemplo na nito ang mababang tingin sa lalaking mababa ang sweldo o walang trabaho. Ang kababaihan na ilaw at suporta ng pamilya na namamahala sa kaayusan ng tahanan at panununtento ng kalusugan ng mga kapamilya nitoây walang ihinahaing kaisipang maaaring masamain, ngunit itoây binastos. Ginawang isipin ng karamihan, mapa lalaki o kapwa babae, na ang kababaihaây pag-aari lamang ng kalalakihan, na itoây walang ibang kasilbihan sa lipunan kundi ang pagsilbihan ang kalalakihan. Ang tila walang kamaliaây nagiging isang iskandalo sa katagalan. Abuso ng katalinuhan? Pangunguna sa katotohanan? O sadyang kabastusan lamang ang dahilan?
Sa ganang akiây malaking pagpapamulat ng mga mata ang papel na ito na nagdadala sa atin ng mga katotohanang walang kasamaaât kamalian ang mga isipang nabuo sa paglipas ng panahon. Ang pambabastos dito, sa kung ano mang paraan, ang nakasisira sa mga tila inosenteng katotohanan. Solusyon? Respeto at pagtutulungan, sa kalahatan at sa mga pag-iisip na tila nagiging lason sa lipunan.