pagkikita ni papa Ray at Papa Jesus :)
ika-40 days ngayun ng pagpanaw ni papa ray. nag-mass ako para maipagpray siya ulit. naniniwala ako na ngayon nagkita na sila ni Papa Jesus sa heaven. ang alam ko kasi kaya pinagdiriwang ang ika-40 days ng pagkamatay ng isang tao dahil pinaniniwalaang ito ang araw na umaakyat na sa langit ang kanyang kaluluwa. tulad ni papa Jesus, namatay siya, muling nabuhay at pagkatapos ng apatnapung araw ay umakyat sa langit. gusto ko ding i-share ang homily ni father kanina sa mass na akmang akma sa okasyon ngayong araw para sa kapatid naming si ray, para sa pamilyang naiwan niya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. lahat tayo nagtatanong kung bakit kung sino pa ang inosente, mapagmahal at mabuting tao ay siya pa ang nagkakataong nagiging biktima ng karahasan at kasamaan ng ibang nilalang. mas madali sanang tanggapin kung sino ang masama ay siya ng maunang mawala sa mundo ngunit hindi ganito ang madalas mangyari. ang sagot ay makikita natin sa krus kung saan si Jesus na ating kapatid na walang hinangad kundi ang kabutihan ng sangkatauhan ay naging biktima ng lahat ng ating mga kasalanan. ngunit sa kabila ng hirap na dinanas niya ay nakamit niya ang buhay na walang hanggan tulad ng pinangako ng kanyang Ama. tulad ni Papa Jesus, maniwala tayo na sa kabila ng paghihirap ng mga mahal natin sa buhay na biktima ng kasalanan ng mundo ay makakamit din nila ang buhay na walang hanggan sa langit. para sa mga naiwan at naulila ni papa ray, magsaya tayo at magbunyi dahil ngayong araw na ito'y masaya na niyang kasama ang Panginoon natin sa langit.











