hindi na ako masyadong nakakapag post dito abt kay josh kaya eto na hahahaha. Kahapon is nag away kami ni Josh, dala nalang ng stress ko siguro kasi ang daming nangyayari sa bahay, sakanya ko nabuhos lahat ng inis ko. pareho namin free time kahapon at syempre nageexpect ako na kahit papaano makakabawi kasi sa mga araw na sobrang saglit lang kami nakapag usap. Eh ang nangyari, may lakad ang lolo mo. At ako naman tinopak, so nagsabay pa. Sa halip na magusap ng maayos, nauwi nanaman sa away, sa sumbatan, sa muntik na hiwalayan. hahahahahaha hanggang sa nagkapikunan na talaga kasi ayaw talaga nyang magpapigil sa lakad niya, kesyo nagsabi na daw kasi sya, without him realizing na nagsabi din sya saking babawi sya, kulit no? hunyeta hahahahaha so ayun, nasabi ko sakanya na maghiwalay nalang kasi at babalik nalang ako kay (uy secret hahahaha), nagalit sya syempre, pero ang gago sa halip na pigilan ako pinagtulakan pa ako. Nakakaurat. Pero sa halip na magalit ako sakanya, may sinabi siya sakin na nagpawala nung inis ko. sabi niya kasi buti pa daw ako may babalikan pag natapos yung samin, buti pa daw sakin may nag aabang, eh sakanya daw? wala. Lahat naman ng pinagseselosan ko ay walang basehan kung mababalikan ba nya kasi nga may mga kanya kanya nang relasyon yon. So ayun, nagising ako sa katotohanan na ang shit ko talaga kahapon, ffs. inaaway ko sya dahil sa kaโselfishโan ko. nagsorry ako ng nagsorry kasi saka ko lang naman narealize na totoo yung sinabi nya, na wala siya babalikan, di tulad ko. haaaay. ang tanga ko hahahaha so ayun, wala namang may pake pero push hahahahahahaha mahal na mahal ko talaga yung ulupong na yon kahit lagi siyang sakit sa ulo hahahaha yey!!!