Graduating from High School
I can tell that it isn't hard to graduate from high school, but leaving high school? That's the worst part.
High school was like a jungle for most of us. But it is a jungle where we like to stay even though we're afraid. It is a place where we find peace amidst all the noise and the trouble. It is where we find true friends and families through all the backstabbing and you know, everything. This time, I want to speak in Filipino. It's hard to express everything you want to say when it's in English.. -_-
Ayun!! Una sa lahat, marami akong natutunan sa hayskul. From Algebra to Trigo at Recess to dismissal. Haha. Pero maliban diyan, buhay. Buhay, at paglaban dito ang pinakatinutukan at natutuhan ko sa pagpasok ko ng hayskul.
Marami akong dapat pasalamatan. Salamat sa mga naging guro ko. Salamat sa lahat ng aral, at paghihirap. Kung wala po kayo, ano na po kami ngayon? Salamat sa mga kaklase ko, sa pangalawang pamilya ko. Salamat sa pagtanggap sakin, marahil hindi ko naman kayo lahat close pero salamat pa rin. Salamat sa pamilya ko, kung wala kayo, naranasan ko ba ang buhay na dapat kong maranasan? At salamat sa mga kaibigan kong tunay.
Salamat kay Heather, kay Angeli, at kay Caron. Simula't sapul kayo na ang nandyan para sakin. Marami tayong pinagdaanan, pinagawayan, at hindi pinagkaintindihan. Pero matapos ng lahat ng yon, minahal niyo pa rin ako. At mas lalo ko naman kayong pinahalagahan. Maraming salamat sa tuwa, iyakan, sa lahat. Kahit magkakahiwalay na tayo, andito pa rin ako para inyo para tumayo bilang ate na masungit at NR sa mga bagay-bagay.
Salamat kay Mr. Simple. Binigyang kulay mo ang hayskul ko. Tulad ng parati kong sinasabi, salamat sa inspirasyon. Kahit malayuan, nasasagap ko pa rin. Haha. Totoo lahat ng sinabi ko dati pa. Sana hindi lang palo ang nabigay ko sayo nung graduation sana naparamdam ko rin kung gaano ka kaimportante sa akin, at paano mo binago, hindi man ganun kalaki, ang pananaw ko sa buhay. Magpagupit ka sana dahil ang pangit ng makapal na kulot. Kung sino man ang mahalin mo, alagaan ka sana niya at huwag pababayaan. Pahalagahan sana niya ang mga talento mo, at loyalty na ibinibigay mo. Magbigay inspirasyon ka pa sa iba. At tandaan mong minahal kita. At sana matandaan mong naging kaibigan mo ako.
Salamat kay Bro. Napakaganda ng plano mo. At hindi ako magsasawang sundan ito, basta lagi kang nadyan sa tabi ko. Thank you po. :)
And sa lahat ng grumaduate, hindi pa tapos ang lahat. Marami pa tayong kakaining bigas, pagpapagurang pawis, at laway na gagamitin. Kaya tatagan natin ang loob natin at alalahanin nating tayo ang kinabukasan.