Who you are makes a difference to me.
March 24, 2012
Ngayong araw na ito ay maaga kaming pinapasok. 6:00 ang call time dahil may practice pero as usual, ang mismong nagiimplement ng batas ang lumalabag. Haha. Tumugtog ng mga kanta for about an hour at saka dumeretso sa court para makinig sa talk. Umupo ako with the VJCRAM nasa likod ko siya. Masaya ako? Medyo. Pero you know, nakakaconscious. Alam mo yung feeling na may nagjojoke sa likod mo tapos gusto mong tignan pero dahil andun siya eh, naiilang ka? Ganun kanina. Hahaha. Ang saya lang na sa last recollection ko malapit ka sakin kahit physically lang hindi emotionally. Nung kumain din tayo, uupo sana ako dun sa may chair na nasa harap ko na, eh katabi pala kita kaya nahiya ako, umalis ako. Sorry nakakahiya eh.
Dear MRSMPL, "Pasensiya na pero gusto kong malaman kung nararamdaman mo ba na sa lahat ng lalaki, ikaw lang hindi ko kinakausap. Kaya nga nung nangunguulit si Russ, pinapansin ko itsura mo pero di ko makita."
Sa araw na ito, nagsulat ng parent's letter. I am very touched na gusto kong umiyak dahil sa taong nagaappreciate sa nagagawa ko, na sa sobrang appreciate ay letter na pangmagulan ang ibinigay niya sakin. Naiiyak ako sa tuwa dahil sa mga kaibigan kong mahal na mahal ko. Salamat sa inyo. Ngayon ko lang nalaman na I can really make a difference.
At huli, binigyan ko siya ng ribbon pero hindi ko inabot. Pinaabot ko lang. Tulad nga ng sinabi ko, masaya ako kahit sa malayo. Who you are makes a difference to me. Congrats!! Graduates na tayo.












