Metro Manila Film Festival
Bago ang lahat, nais ko munang humingi ng tawad sa mga mababasa niyong grammatical error, conyo at medyo corny kong pagtatalog na hindi consistent. Hindi lamang kasi ako sanay sa ganitong pagbablog na medyo pormal basahin, dahil kadalasan –ganito ako magblog like nung sa mga previous blogs ko na puro drama, rants, experiences, achievements, kahihiyan, kalugmukan, tula na hindi naman talaga tula, minsan conyo, minsan malalim na tagalog at minsan English na hayaan-mo-na-basta-naiintindihan-.
Bilang panimula sa aking mga “movie review”, ano nga ba ang masasabi ko sa hanay ng mga pelikula ngayon kumpara sa nakapilas na limang taon? Personally, ngayon pa lamang ako nakapanood ng sine sa sinehan sa panahon ng metro manila film festival, kaya labis ang tuwa ko nang malaman kong inerequire kaming manood ng dalawang kalahok na pelikula sa mmff, nagkaroon na ako ng tiyansang makapanood. Ngunit hindi porke ay hindi ako nakakanood nito sa sinehan ay hindi ko na napanood ang mga lumipas na entry sa mmff. Nariyan ang telebisyon at ang internet, nakapanood naman ako ng ilan, nabalitaan ko naman ng kaunti ang mga detalye ng mmff sa taong iyon at kung anu-ano ang mga napiling kalahok sa mga nakalipas na metro manila film festival, ngunit hindi pa rin ganoon kalalim ang kaalaman ko sa nasabing festival. Kabilang dito ay  ang mga panalo sa takilya at talagang pinipilahan ng mga pamilyang pinoy tuwing pasko ay Shake Rattle and Roll na umabot na sa ikalabing lima nilang palabas, ang Enteng Kabisote na nasa ikasiyam na, (ang ikasampu ay hindi na naisama sa mmff), ang Tanging Ina series na matagal nang tumigil sa pagtakbo, at ang mga pelikula ni Vice Ganda.
Tila naging palabas na lamang sa telebisyon ang mga nabanggit na kalahok, na may taon-taon na episode. Nakakaengganyo nga naman talaga sa mga manonood dahil ito ay isa na sa mga tumatak na bonding ng pamilyang pinoy tuwing pasko. Ang mga nabanggit na pelikula ay para sa lahat ng manonood, ano man ang edad mo, lebel ng pag-iisip mo atbp. Kahit ako, noong bata ako ay gusto ko rin manood nito lalo na ang enteng kabisote at tanging ina dahil kinalakhan ko na rin ito, may attachment nang nabuo kahit sa telebisyon ko lamang ito napapanood, ano pa kaya kung sa sinehan taon-taon inaabangan? kaya’t sino nga ba namang bata ang hindi pipiliting manood ang magulang na manood nito?
Oo nga’t nakakabawas ng stress, nakakaengganyo, nakakatuwa, masaya ang mga pelikula noong mga nakaraang limang taon, kasama ang pamilya at kaibigan ngunit sa aking paglaki at sa unti-unting nagkakalaman ang aking pag-iisip, sa pagpasok ko sa industriya ng advertising na madalas mabanggit ang “pelikulang pinoy – independent film”, napagtanto kong nilalamon lang kami ng sistema ng mga kapitalista sa mundo ng pelikula, business, taon-taon kumikita ng malaki, taon-taon puro mainstream o common na lamang ang mga istorya. Kumpara sa hanay ng mga kalahok ngayong #MMFF2016, puro independent films na ang mga kasali, makatotohanan, makahulugan, impormatibo, napapanahon, eye-opener, nakakaengganyo, nakakabawas ng stress, nakakatuwa, masaya rin tulad ng sa mainstream na para rin sa pamilyang pinoy. Sa madaling salita, anong masasabi ko sa hanay ng mga pelikula ngayon kumpara sa nakaraang limang taon? Magandang pagbabago.
Sa aking mga nabanggit, hindi ko layunin paghiwalayin ang mainstream at independent. Ang nais ko lamang ay magsundo na ang dalawa, magandang kalidad muna ng pelikula bago ang kita dahil tayo tayo na lamang mga pinoy ang makakapagpaunlad sa ating sariling industriya, sa industriya ng mga pelikula, tayo tayo rin ang tatangkilik ng sariling atin, dahil para kanino ba tayo gumagawa ng pelikula? Para sa pamilyang pinoy, sa mga pinoy, sa kapwa natin, hindi ba? Nais ko rin sanang matutunan ng kapwa ko Pilipino na pumili ng magagandang pelikula, basagin na rin ang mindset hindi maganda ang mga gawa ng nasa independent films dahil pantay lamang sila ng mainstream. Parehas pelikula, parehas para sa atin.














