My Top 10 Worthy Bloggers of All Time (part 1)
10. Carlo (kinakharlokohan)
Isa na siguro sa pinaka cute na blogger na nakilala ko sa Tumblr, may magandang ngiti lalo na kapag nagpapakyut sa gif nya pero bukod doon isa sa pinaka hinangaan ko kay Carlo ay ang galing nya sa pagpapalawak ng isang magandang konsepto. Makatarungan nyang pagpapaliwanag sa mga bagay na umiikot sa paligid natin. Normal na binata na may angking galing sa pagsusulat na na sadyang hahanga ng kababaihan. Mabait din na kaibigan si Carlo kahit na hindi naman kami ganun magkakilala pero nakikita ko naman sa mga tao sa paligid nya (I mean sa Tumblr) na mas kilala sya. Bukod pa sa mga bagay na hinahangaan ko kay Carlo, isa sya sa mga tao sa Tumblr na naka-save ang gif sa PC ko, hindi ko naman pinagnanasahan o ginagamit sa pagsagot ng TA sakin, sadyang nakakatuwa lang tignan ng paulit ulit.
Si Arthur kadalasan ang inaabangan ko sa madaling araw, feeling ko kasi mas maigi syang nakakapaglabas ng mga saloobin nya sa ganun oras, yung tiyempong walang masyadong online. Nakakatuwang isipin na ang tipong chickboy na astigin na tulad nya ay mahusay sa larangan ng pagsusulat. Madalas akong namamangha sa aking galing nya sa paggawa ng isang istorya mula sa isang konsepto at bigla nyang napapalawak. Yung tipong bigay mo lang sa kanya yung pangalan o url mo eh makakagawa na sya ng kwento na konektado sa binigay mo. Feeling ko masarap syang kakwentuhan bukod sa sarap ng katawan nya (joke)
8. Jake (jakepullsthetrigger)
Si pareng Jake, una kong nakilala o nakita nung nag kayayaan kami manood ng sine, dalawa lang kami pero walang halong malisya, nakalimutan ko na nga kung ano yung pinanood namin pero masaya yung araw na yun. Nagkwentuhan kami ng sobrang haba, parang nakwento na ata namin sa isat isa yung kalahati ng talambuhay namin. Mas naging komportable ako sa kanya ng sumunod na araw at buwan, isang kaibigan na mabait, matalino, cool, open minded at gwapo. Siguradong kahuhumalingan ng nakakarami. Bukod ba sa karakter nya, mahusay din sya sa larangan ng pagsusulat. Mga tula nya na puno ng mensahe at istorya, hindi basta bastang blogger, lahat nakukuha ang atensyon sa kanyang mga nasusulat bukod pa dun ang mga tth entry nya na tulo laway na nalalagyan pa nya din ng istorya o art. Maswerte ako ako nakilala ko ang tulad nya, saludo ako sayo Jake.
Madalas ko na nadidinig ang pangalan nya noon, masasabi kong famous noong nag uumpisa pa lang ako. Noong finallow ko sya, doon ko napatunayan sa sarili ko ang mga nadidinig ko. Mahusay magsulat at gumawa ng tula, isang simpleng binata na puno ng kilig sa bawat talata na kanyang nalalatha sa kanyang blog. Malinis at kakaiba pero may laman at minsan ay patama. Noong naging kaibigan ko sya hindi maitatanggi na nagustuhan ko sya, saan ka pa ba makakahanap ng maginoong gwapo na mahusay magsulat, edi sa Olonggapo pero mas mainam pa din ang maging isang kaibigan dahil mas nagtatagal iyon. Hindi ko pa sya nakikita sa personal pero pag nangyari yun, sasaya talaga ako at mapapasayaw ng rabadabango.
6. Louie (lakandula/itsmarklouie)
Gusto ko sana sa wikang Ingles ko bubuoin ang mga mensahe ko para kay Lil Bro Louie pero nakakahiya naman kasi sa blog nya na kailangan mo talaga ng tissue at siguradong maluluha ang ilong ng dugo. Isa din sa mahusay na manunulat na gusto kong palakpakan kasama ang dalawa kong paa. Napagaling lang talaga nya at bukod pa doon eh yung talino nya, tipong ang sarap maging asawa ng katulad nya. Una ko syang nakita sa Luneta MU ni Sy pero di pa kami magkakilala noon at di rin nakapag usap. Mas naging close lang kami dahil na din kay Vin. Mabait na kwela din syang kaibigan, masipag minsan mag gm at makipag kwentuhan. Isang cool and witty na tropa na hindi mo maitatangging dahilan kung bakit maraming kaibigan at humahanga sa kanya at isa na ako doon. Isa na lang talaga masasabi ko sa kanya, Idol.