kaya ko pang mabuhay sa apat na sulok ng silid na ito at isang dingding na ma-aari ko pa namang sandalan.
Isang lamesa at upuan na maaring higaan
Isang pisara, upang isulat ang mga salitang hindi ko kayang bigkasin.
Minsan na akong lumuha ng tahimik, sa sulok, duguan ang puso, ngunit ni wala ni isa man sa kanila ang nag-alay ng braso para sa aking pagdurusa.
“Lahat naman tayo may kanya-kanyang problema, bakit ko pa ipapamahagi?”
oo nga naman, subalit paano kung isang araw may mawalan sa inyo ng isang kaluluwa na dapat sana maghahatid ng saya at pag-asa para sa lahat.
Isa ako sa dapat na nasa hukay ng katahimikan. Kay kamatayan. Dahil sa pagkalunod ko sa mga salita at mga boses na aking naririnig, kahit sarado ang kanilang mga bibig. Isa akong ulila, naghahanap ng init mula sa nyebe ng mga taong aking nakatagpo. Isang malamig na mga kamay na walang sino man ang nagtangkang kumapit.
Kahit ang tahanan ng kaluluwa ko’y wasak na, nandirito parin ako,
sa apat na sulok at sa isang malaig na dingding na aking sinasandalan at sa pisarang purol na ang mukha.
Isang lamesa at upuan na maaring higaan
ng isang bangkay na kaya pang mabuhay.