NSTP Module 3
Barangay Wawang pulo, Valenzuela City
Lazaro, Isabella A. L_Med/Sci
Hazardous Places
Safe Spaces
Best Practices
Hazard Identification
Ang Barangay Wawangpulo ay isang lugar na napapaligiran ng katubigan. Marami ng kalamidad ang nangyari sa Wawangpulo ngunit ang bagyo ang isa sa lubhang ininda ng ating mga kabarangay. Ilang bagyo na ang nagdaan sa atin halimbawa na ang bagyong Ondoy. Maraming mga tahanan ang binaha at nasira ang mga kagamitan. May mga bahay na gawa sa light materials ang nasira lalu't higit sa mga nakatira sa tabing ilog.
Bukod sa bagyo, naapektuhan din ang ilan nating mga kabarangay nang magkaroon ng sunog noong hunyo taong kasalukuyan. May apat o higit pang pamilya ang nawalan ng tirahan at mga kagamitan.
Tunay nga na ang teknolohiya ay malaking tulong sa pamumuhay ng ating mga kabarangay. Kung noo'y tanging ulat lamang sa mga telebisyon ang inaasahan natin, ngayon ay marami nang "Platforms" kung saan tayo nakakakuha ng impormasyon halimbawa dito sa ating barangay. Nagmumula ang pagbibigay babala sa command center o alert center ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at ibinababa ito sa bawat barangay. At ang bawat opisyal ng Barangay ay responsable sa pag iikot o pagbabahay bahay upang ipabatid sa mamamayan na may paparating na sakuna.
Sa aking palagay, madalang na tayo ay mapinsala ng mga sakunang ito dahil sa mga patuloy na rehabilitasyon sa ating barangay na nakatutulong maiwasan ang anumang pinsala na maaaring idulot ng mga ito halimbawa na ng bagyo. Madalas man tayong daanan ng bagyo ay naiiwasan na nating mapinsala sa mga ito.
Vulnerability, Elements, and People at Risk Management
Dito sa ating barangay, patuloy na minomonitor ang bawat lugar at nakita natin na ang Wawangpulo Home Owners Association Village sa Salambao st. ang mas mapipinsala sa anumang sakuna dahil sa lokasyon ng tirahan, uri ng materyales na ginamit sa pagtayo ng mga bahay at distansya ng bawat bahay sa lugar. Dahil sa kasikipan ng mga eskinita, mahihirapan rin ang mga bumbero o anumang rescue vehicle na makapasok ng agaran sa lugar.
Meron na lamang iilang mga tao ang posibleng lubhang maapektuhan sa mga kalamidad. Yun ay pamilya Deliva, Alcanar, Directo at Ramos. Base sa mga pag aaral natin dito sa barangay, sila ang mga natitirang pamilya na naninirahan sa tabing ilog. Ngunit nasa proseso na ang kanilang mga dokumento upang maalis natin sila sa panganib ng kanilang tirahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bagong tahanan.
Sa ating barangay, malaki ang magiging epekto sa tao ng mga ganitong sakuna lalu’t higit na marami paring kabahayan ang gawa sa light materials. Sa pangkabuhayan naman, maraming mamamayan natin ang umaasa parin sa kailugan at karagatan sa ikabubuhay ng pamilya nila. Maraming palaisdaan at mangingisda ang posibleng maapektuhan at maging ang imprastraktra tulad ng eskwelahan ay posibleng maapektuhan.
Ang ating Barangay Disaster Risk Reduction Management Council na pinamumunuan ng ating punong barangay ay may itinalagang Evacuation Centers yun ang Elementary School, High school Buildings, Activity Center, 3S Center, at kung may lindol naman ay ang open field o Oval.
Base sa pagaaral ng BDRRMC , ang Wawangpulo Home Owners Association ang lubos na delikado sa anumang sakuna dahil sa lokasyon at pisikal na aspeto ng mga tahanan sa loob nito.
Sa aking palagay ay wala nang malalaking hadlang para sa ikauunlad ng barangay. Siguro kung meron man tayong problema ay ang di sapat na pondo upang maibigay lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan maging sa oras ng sakuna.
Capacity and Disaster Management Assessment
Ang BDRRMC ay may binuong organizational chart na kikilos sa iba’t ibang bagay sa oras ng sakuna. Halimbawa nalang ay ang first aiders na rerespunde sa mga biktima, meron din naming research and analysis team kung saan sila ang magdodokumento ng mga posibleng gamitin at magdadaos ng iba’t ibang trainings sa barangay patungkol sa mga dapat gawin sa oras ng sakuna. Meron ding naatasan sa pagbibigay alerto sa mamamayan kung saan sila ay mag iikot sa buong barangay bago pa man maganap ang lindol
Ang BDRRMC kasama ang iba’t ibang NGOs dito sa ating barangay ay patuloy na bumubuo ng iba’t ibang plano para kahandaan sa sakuna. Ang isa sa pinakaimportanteng plano na mayroon ang BDRRMC bukod sa organizational chart ay ang pagkumpleto ng mga kagamitang kakailanganin sa oras ng sakuna.
Sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, tayo ay may mga nakalatag na plano kung paano aagapay sa mga maaapektuhan ng sakuna. Masasabi kong tayo ay 100% Ready sa paglikas, paghahanda at pagbangon kung sakaling tayo ay maapektuhan ng kahi anu pa mang sakuna.
Bukod sa members ng BDDRMC sa pangunguna ng ating Punong Barangay, kaagapay din natin ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction Office at iba’t iba pang Non-Government Organizations na sumailalim narin sa iba’t ibang trainings. Mayroon din tayong nakahandang mga organisasyon na binuo ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela tulad ng Bantay Bayan, Bantay Sunog at Bantay Ilog.
REFLECTION, SYNTHESIS, and ANALYSIS
Barangay Wawangpulo is located in an area surrounded by water and I think one of the issues that would really affect the barangay is Typhoons. Many of our houses in the barangay are made of light materials and of that I think it will cause different problems to our people.
It would be better if every one of us is ready and well prepared with regards to the calamities or disasters that might affect us. I think one of the best ways on how our Government can secure this preparedness is by conducting different seminars so people will be aware on what to do to save themselves and others.
Disasters and calamities can never be scheduled but the preparedness of each community members can be acquired in anytime. So for me, the main reason why our government should address this issue in our country is for them to be able to raise awareness and make our people ready and prepared.
For me, change and help should not always a government initiated effort but also a self-initiated. If we can start the change and the willingness to learn on how to be prepared, this micro effort will give a macro effect to the country. If everyone is knowledgeable, our government will be able to secure each members of our community.
As a resident of my community Barangay Wawang pulo, it is my duty and responsibility to help my fellow youth and citizens to be always ready and well-prepared in times of calamities and disasters, I can do these things by spreading awareness and share my knowledge about the DRR.













