Matagal kong pinagsisihan
Ang totoo ay hanggang ngayon
Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin
Kung bakit nga ba hindi ko inamin
Kung bakit nga ba di ko sinambit
ang mga salitang gusto kita
ang mga salitang mahal kita
akala ko pag di ko pinansin ang sakit
kusa itong lilisan, maglalaho, mawawala
pero hindi ito ang nangyari
nanatili ito, tumambay, nanirahan sa puso ko
ang damdamin na hindi na binanggit sa kwento
ang damdaming hindi na narinig
ang damdaming hindi mo na nalaman
ang damdaming nilisan mo ngunit nanatiling para sa iyo
akala ko pagtumanggap ako ng ibang pag ibig
maiiba ang damdamin at mapupunta sa handang umibig
ngunit hindi, hindi iyon ang nangyari
nagpatuloy ang pahina mo sa buhay ko
kahit ikaw ay wala na sa piling ko
akala ko noon ayos na ako
sanay nang hindi ako ang iyong mahal
na ang pag ibig mo ay hindi para sa akin
na ang pagtingin mo’y hindi sa akin