Movie Review
             Ang istoryang ito ay naganap noong labing-walong siglo sa Tayabas, Philipines. Umiikot siya sa ating bida na si Apolinario de la Cruz na mas kilala bilang Hermano Puli. Siya ay isang religouse leader o isang tao na nag tra-trabaho sa simbahan. Layunin ni Pule na gumawa ng paraan para maka pasok sa trabahong simbahan ang mga pilipino. Bumiyahe si Pule patungo ng ng Maynila upang matupad ang layunin na ito.
       Sa taong 1829 ay nag lakbay siya patungo ng maynila upang tuparin ang kanyang pinapangarap na maging pari ng simbahan. Pag lipas ng ilang buwan ay tinangal siya sa hospital na kaakibat ng Cofrad'ia na kanyang sinalihan. Nag simula siya ng kanyang sariling Cofrad'ia sa kanyang probinsya na Lucban o mas kilala bilang quezon sa kasalukuyan. Sinugod sila ng mga espanyol dahil sa suspisyon na gumagawa si hermano pule ng isang kilusan laban sa kanila. Ilang libo ang namatay sa pag sugod ng mga espanyol pero nakatakas si Hermano pule at iba niyang kasama, pero sa huli siya ay nahuli at pinatay sa salang treason, Sa pagkamatay niya ay nagsimula ang rebolusyon ang natitirang miyembro ng kanyang Cofrad'ia at iba pang pilipino.
      Para saakin ay nakaka hanga at isang inspirasyon si hermano pule. Hindi hadlang ang edad sa taong gusto ng pag babago. Pag hihirap ng isa ay pagg hihirap rin ng kanyang mga kababayan. Dapat tayong lumaban para sa alam nating tama at hindi mag pa api sa mga taong may kapangyarihan. Sa panahon nating puno ng gulo at away ay kailangan natin ng hermano pule na lalaban para sa tama at hustisya

















