yung hamog sa daan, di ko mawari'y, niyakap ako ng kalangitan, sa umaga'y bumangon, naggayak ng buslo, laman ay alalahanin, ramdam ang bilis ng kabayanan, marahan at payapang kanayunan, maski ang ang ulan bumuhos, pati ulap tila gumabay, mga jeepney may marahan, may mabilis pero may kapanatagan, pati panahong dili inaasahan, pagkapatid ng gulong, mga abala kasama sa tatahakin, kasama sa panahong lakbayin, lumakbay ayon sa oras, gabay ay tala sa umaga, patuloy ang pagtungo, bitbit ang pangako Niya, may damdaming naipon, may pangungusap namumutawi, may alaalang nanumbalik, may pag-ibig na wagas, sa dambana iyong tutunguhin, sa dambana iyong paghahandugan, mga tinipong panalangin nangungusap, mga awiting umaapaw humuhuni, ang katahimikan ay maingay, lagaslag ng dahon kapayapaan, sabayang buhos ng ulan at damdamin, sabayang awit mga puno at ibon, tila ako'y nawala sa pagkamangha, tila ako'y nabalot sa hiwaga, kaisipang kumatha sabayang umaawit, tila lahat nag-uumapaw tulad ng ulan, ulan na galing sa kalangitan, walang mapaglagyan. sinasalo lahat ng ng bubungan, walang matipunan, sumsandali sa sahig ng kabundukan, walang patid, dumdaloy sa ilog hanggang karagatan, walang hanggang, tulad ng mga taong lumalakbay, hindi napapagod, hindi nagsasawa, sanasabay sa pag-inog ng mundo, sumasamba sa habang panahon, tungo sa lupain at bundok ng pangako, kasabay ang yakap ng hamog sa umaga, gabay ang tala sa buong maghapon, na inihahatid sa dampi ng kaluwalhatian, #91919 #sojourn19 #lakbayin #awitin #hamog #tula #awit #puso #huwebes #lapitatsaloobin #community #village #prayer #journey #tula #tala #tela https://www.instagram.com/p/B2oJPc3HBvC/?igshid=198no09iqm6xe











