Ginto at titanyong metal ang matatagpuan nyong gamit nila;
Unang punta ay paniguradong masusundan ng ikalawa.
Haplos ng sining ay makikita sa kahit anong sulok sa lugar na ito,
Ikaw mismo ay magiging sining pagpasok mo rito.
Tutusukin ka dahil gusto mong masaktan ang iyong pagkatao—
Iindahin ang ilang buwang pagpapagaling para sa ekspresyon na pinili mo;
Nariyan sila para gabayan ka sa prosesong ito.
Titintahan ang balat ng disenyong nagsasaad ng damdamin mo.
Ang lugar ng malaya; lugar na aking babalik-balikan kahit nasaan pa.















