Ito yung lugar na sana di lang nakatago at iilan lang ang nakaka alam kung paano puntahan. Lugar kung saan puro likhang sining ng iba't-ibang pintor ang makikita. Sining na siyang nagpapabalik sa atin sa nakaraan at sa ating kasaysayan. Alam nating lahat na ang Cubao ang centro ng lahat. Mapa north, south, west, east ka pa paniguradong sa Cubao ang meet up ng barkada. At itong art museum na ito ay matatagpuan lamang sa Gateway, Cubao. Bukas ito sa publiko ngunit iilan lang ang nakakapunta dito dahil ito'y nasa itaas na bahagi ng nasabing mall. Inirerekomenda ko itong puntahan ng mga mag aaral o di naman kaya ng mga magbabarkada. WORTH IT LAHAT NG PAGOD NIYO KAPAG NAPUNTAHAN ITO. LALO NA KAPAG NAKARATING DIN KAYO SA GARDEEEEN (Rooftop ng gateway). ❤️
Loading...












