Dahil luma na at napabayaan ay madalas nagkaka problema o sira ang motor ko. Gamit na gamit ko pa naman to sa work. Kaya as early as September last year ay napagplanuhan ko na bumili na ng bago. Ang target ko noon ay yamaha fazzio. Bet ko kasi talaga yung mga classic scooter. Napaka timeless at elegant kasi nilang tingnan. Nagloan ako kaso nagamit ko yung pera pambayad dun sa credit card na hiniram sa akin ng friend ko na hindi nagbabayad. Nag try akong sumakay sa fazzio pero nagmukhang maliit at hindi bagay sa akin yung motor. Namahalan din kasi ako sa price nya para sa specs na meron sya.
Nabalitaan ko na ilalabas yung pinaka bet ko na motor. Dahil honda click ang dating kong motor ay gusto ko na sana honda pa rin ang magiging motor ko. January may nagsabi na source na magkaka roon sa February ng Honda Giorno. Ito talaga ang panalo sa specs at panalo sa porma. Apaka angas ng classic design niya. Naka tyempo ako sa isang shop kaso isa lang at ayaw ibenta ng cash. Nakiusap na lang ako kung pwede ko bang itry sakyan. Pagkakita ko sa picture ko na nakasakay ay naliitan ako. Nasisikipan din ako sa dahil parang tatama yung tuhod ko. Maiksi din manibela niya. Di ko na tinangkang bumili kasi di ako komportable at hindi bagay. Mahirap ding humanap ngayon kasi plus 20k ang bentahan at kokonte stocks kasi iniipit.
Sabi ko hihintayin ko na lang yung bagong NMAX. March nilabas yung nmax. Dahil iba ang dating ng nmax lalo na sa mga chix ay naisip ko na baka pag nagkaroon ako nito ay maging lapitin ako ng kababaihan. Gustuhin ko mang bumili agad ay kulang pa ipon ko. Sabi ko ay Mayo na ko bibili ng nmax paglabas ng midyear bonus at pag nakuha ko na honoraria ko sa election. Kaso gaya nung sa giorno ay nagtry akong sumakay at naliitan din ako kaya di na yun ang binili ko.
Sunod sunod ang labas ng mga bagong motor. Nawalan na ko ng pag asa kasi ang next bet ko sana ay baka mailabas agad ang aerox v3, at yun na lang bibilhin ko. Pero biglang sumulpot ang isa pa sa bet ko na honda pcx 2025. Di ko kasi bet ang pcx v1, hindi dahil sa sinasabi nila na mukhang jetski kundi para sa akin ay parang kulisap ang mukha niya sa dami at laki ng ilaw. Mas naangas ako sa porma ng v2 kasi letter v na yung running lights niya at mas sleek tingnan.
Red ang first choice ko kahit na gandang ganda ako sa pagka elegante at simple ng white. Napakadami kasing white na nagkalat sa daan at ayoko ng dumagdag pa sa kanila. May nag reserved sa akin kaya pinuntahan ko yung red. Nakapag process na ng papel at na orient na ko sa motor, bayad na lang kulang pero napansin ko na may gasgas yung motor. Nag ask din ako sa mga friends ko at sinabi na wag kong bilhin kasi nga naman bago tas may damage agad. Lumipas ang ilang araw ay may nakita ko na white dito malapit sa amin kaso mahal ang benta. 138,900 pesos samatalang 133,400 ang srp at dun sa bibilhan ko naman sana ay 135,900 kasama na registration for 3yrs. Buti na lang at nagkaroon ng stocks yung alam ko na mura magbenta, pinuntahan ko agad at nabili ko siya sa halagang 131,900 pesos kasama na rehistro plus freebies na helmet, jersey, tempo plate at insurance. Masaya naman ako sa nabili ko.