The Cubao 1980 Variations
ORIGINAL
Laking-Cubao ako, e.
PERMUTATION
E, sa Cubao ako lumaki.
ANTONYMY
Hindi ako lumaki sa labas ng Cubao.
ANOTHER POINT OF VIEW
Bakit ka ba ganyan, ha?
A DIFFERENT GENERATION
Cubao 2005.
DÉJÀ VU
E, laking-Cubao ako
sa Cubao
ako lumaki, e.
WITH ONE LETTER MISSING
Laking-Cubao ako.
WITH ONE LETTER ADDED
Laking-Cubao pako, e.
WITH ONE LETTER ALTERED
Laking-Cubao ako, a.
WITH ONE WORD MISSING
Laking-Cubao, e.
WITH ONE WORD ADDED
Laking-Cubao kasi ako, e.
WITH ONE WORD ALTERED/OUTSIDE CUBAO
Laking-Malate ako, e.
OUTSIDE METRO MANILA
Laking-Bulacan ako, e.
OUTSIDE THE PHILIPPINES
Crecí en España.
UNCONFIRMED RUMOR
Sabi nila, laking-Cubao daw siya? Hindi naman siguro...
CONFIRMED RUMOR
A, siya nga ‘yong laking-Cubao. Sabi ko nga ba, e.
EXCLAMATORY
Laking-Cubao nga ako, e! Tangina naman kasi!
DOUBTFUL
Laking-Cubao ‘ata ako. ‘Ata.
DEROGATORY
Eww.
Cubao, e.
SARCASTIC
Ay, hindi. Hindi ako laking-Cubao, e. Hindi talaga.
INSISTENT
Oo! Laking-Cubao talaga ako, as in! Like, sobrang sobra! Grabe. Halos hindi ka nga makakapaniwala kung gaano ako ka-laking-Cubao! Ugh. As in, no words talaga. Wow.
CONFESSIONAL
Kasi naman…paano ko ba 'to sasabihin sa 'yo…laking…ano 'yon? Laking-Cubao? Laking-Cubao ako, e. Kaya ganito. Ayon.
KNOCK KNOCK JOKE
Knock knock.
Who’s there?
Laking-Cubao.
Laking-Cubao who?
Ako ‘yon, e.
SINGLE CONTRADICTION
Talaga?
DOUBLE CONTRADICTION
Ay, weh???
Hindi ba taga-Malate ka?
TRIPLE CONTRADICTION
Hala?
‘Di nga.
Patunay mo nga’ng pagka-Cubao mo, letse ka.
BAGETS
Laking-Cubao ako, e. Pero dehin ako sward. Tsikas trip ko, pare. Tsikas.
DUDE
Well, y'know, like, where I come from, so uhh - yeah.
JSEC, ADMU, MNL
Bro! Cubao reppin’, paps! Haters gonna hate. #blessed #TYG
INTERJECTIONS
Hmm? Saan? O? A!
DIONA
Hinubog na ng ilaw
ang pagkataong Cubao
na siyang aking taglay.
TANAGA
Mahangin at maginaw,
p’westo ko sa bubungan.
Cubao ay tinitingnan;
para bang salamin lang.
DALIT
Sa langit na ‘di masilip,
patuloy kang nananalig.
Kalmot ng pusa’y matiis,
gaano pa man kasakit.
HAIKU
Ang pusang Cubao,
ang kuko ng liwanag -
kinalmot ako.
AMERICAN CINQUAIN
Cubao.
Pusang lokal.
Kinalakihan ko,
para bang gatas ng ina.
Kuting.
ALEJANDRO G. ABADILLA
ako
ang laking-Cubao
sa daigdig
ako
ang daigdig
ng Cubao
ako
e
MICHAEL M. COROZA
Sa dinami-rami ng matang
nakatanaw sa laking-Cubao,
wala ni isang nakakita.
JOSE F. LACABA 1
Napakahirap lumaki
sa mundong Cubao.
Baka
habang pinagtitripan mo
ang mga kakuwanang ito
ay naghihintay na sa may oberpas
si Hermie.
JOSE F. LACABA 2
Pare-pareho naman tayong
laking-Cubao, e.
EDGAR C. SAMAR
“Paglaki ko,
gusto ko, dito…
sa Cubao.”
ONLINE RESTAURANT REVIEW
by Ken Smith
19 Reviews, 16 Followers
6 days ago
Greetings from the US! Cubao's selection of food is phenomenal. The spring chicken is a must try. Will definitely come back to Manila for more mouthwatering delicacies! :)
TAUTOGRAM
Kailangan ko kasing kumita, kahit kaunti.
MORAL LESSON
You are what you eat where you live.
ANAGRAM
Cake, alak, o bingo? U?
CROSSWORD PUZZLE CLUES
Across
...
3 alternative center of commerce, Manila
…
19 process of enculturation
...
Down
…
80 the self
...
90 to insist on an argument
…
NOT INTERESTED
...Magdyakol ka na lang.
[Para sa pakikilahok sa klase ng Fil14-B. Halaw mula sa The El Bimbo Variations ni Adam David at sa mga piling linya ng Cubao 1980 ni Tony Perez, sinubok kong magsulat ng maikling “The Cubao 1980 Variations.” Karamihan sa mga uri ng variations na ginamit ay nagmumula sa akda ni David, at may ilan namang hindi. Sa Alejandro G. Abadilla, Michael M. Coroza, Jose F. Lacaba (1 at 2), at Edgar C. Samar variations, hinalaw ko ang kanilang mga tulang “ako ang daigdig” (Abadilla), “Isang Hapon sa EDSA” (Coroza), “Baka” (Lacaba, 1), “Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan ko sa Pelikulang For Adults Only” (Lacaba, 2), at “Aral sa Heograpiya” (Samar). Lahat ng iba ay sarili kong paghalaw ng akda ni Tony Perez.]