August has entered :))
Ayan na, dumating na siya si Agosto. Ewan ko ba kung bakit masaya ako kahit pagod? Siguro, marami lang akong naaccomplish ngayong araw. Maganda naman ang pasok niya. Madami akong napansin ngayong araw na ito kahit pagod ako..
Una, may umiyak dahil lang sa kanta. Na carried away ata si Tito.
Pangalawa, yung isa kong kaklase parang may gusto siya sa isa ko pang kaklase.
Pangatlo, may mga taong pala talaga na kahit matalino ka ee' may mga bagay paring ayaw mong intindihin o may mga bagay na hindi mo naiintindihan.
Pang-apat, may mga taong tamad sa trabaho at masipag lang sa kakakain. Natamaan?
Pang-lima, may mga taong talagang sobrang dugyot tuwing cook fest yung tipong may toyo sa sahig tapos dun isasawsaw yung pinapapak na isda? Medyo Baboooy! Sobraang Baboooy!
Pang-anim, masaya magluto lalu na kapag hindi palpak ang niluluto ngunit kapag palpak, hala! iwanan na! :D
Pang-pito, madaming tao yung kubit nang kubit pagkatapos maluto yung dish! Imbyerna!
Pang-walo, meron namang tinitiis nalamang ang gutom!
Pang-siyam, may mga taong makikipaggitgitan pa para lang sa kapirasong pizza! Hahaha! Da who? Handa itaya ang buhay para lang makain yung pizza! :D
Panghuli, kakapagod ehh. Masaya magluto na may kasamang paglalaro at kulitan! :D
Kundi niyo naitatanong, NUTRITION DAY PO NAMIN NGAYON! <3







