Hindi mo ako gusto.
Naiisip mo lang yan kasi ako yung andito. Pero pag bumalik siya, isa nalang akong barkada. Kaibigan. Kaibigan na madalas mong dalhan ng pagkain. Kajam mo hanggang umaga kasama ang beatbox at gitara. Biglaang lakad kasi bored tayo. Walang katapusang video call. Sinasamahan mong magreview. Mga kalokohan nating dalawa. At marami pang iba. Pero hindi mo ako gusto. Hindi mo ako gusto. Kasi kahit ako yung andito, siya parin nasa isip mo.















