Minahal ko siya ng lubos. Actually, sinulot niya ako sa dati kong minamahal. Hindi naman siya rebound pero noong nagkalabuan kami ng minamahal ko noong mga panahon na 'yun, naging close kami nitong babaeng 'to. Nung una, parang kapatid lang pero iba 'yung hatak niya. Iba 'yung pagmamahal niya sa'kin sa pagmamahal ko sa kanya. Hangga't sa isang araw, nahulog ako sa kanya...
Patay siya. Daganan ko ba naman?
De, joke. Tapos masaya ako sa kanya, masaya siya sa akin hangga't sa malapit nang maging kami. Malapit nang mahulog ako sa kanya ng tuluyan kaso sa mga panahong 'yun, biglang naguluhan ako kung siya na nga ba talaga dapat? Nangako ako sa sarili ko na ang susunod kong magiging girlfriend ay huli na. Tipong, siya na 'yung papakasalan ko. Natakot ako, kaya sinabi ko sa kanya na ititigil ko na kung ano 'yung meron sa'min at mag-aaral nalang muna ako.
'Di ako nagsinungaling dahil ginawa ko naman 'yun. Nag-aral talaga ako. Pagkatapos ng isang linggo, nalaman kong may boyfriend na siya. Ako? Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko.