Ang magbasa ng mga dating palitan ng mga messages with Tumblr friends. Kinilig ako bigla sa saya. At bigla rin nalungkot dahil hindi ko na sila nakakasalamuha minsan dahil hindi na ako ganun kaactive dito tulad ng dati at busyness na din sila. Ajuju
Si Pat (potskilove) parang every message may kasamang "ang cute mo kukay" at hugs >:D<. Napaka sweet kausap. Imy! yung rabbit mo, este yung puppy mo di ko pa nakikita. -_-
Si cla-chan (clameryl), mehhh, i misss reading your long text posts and manga reviews and our kwentuhan sa TA about anime and manga. :( Hindi na rin tayo nagpapaangbot, busynesss ka na din. :(
Kux! Kux! Kux! Kukaiiiii! Tukayo. Ngayon ko lang narealize, minsan ko ding pinangarap magign comsci, pero di ko na tinuloy. pangarap lang yun. Haha. Ikaw na ang nagpatuloy ng pangarap ko. I miss you na... Busynesss ka na din. :( Namimiss ko mga post mong rants at tungkol sa iyong Mr. E. (ay, tama ba? Mr. A? Mr. B? Mr. C? ay basta Mr. Guy hahaha) Basta imy.
Rinaaaaaa! (bipolarnurse) Isa pang tukayo. MInsan ko ding pinangarap maging nars! :)) Kaso hindi ko keribels dahil sa dugo dugo na yan. Kaya sayo ko nalang nakita ang pangarap kong yun. :) "magkakaron ka din ng bebe :)) Balita mo sakin ha kapag meron na :) hehe." - sa kasamaang palad, wala pa akong bebe rinaaa. Ajuju MIsss you na! Ingatan ang eyebags. :D
Dongsaeng! CHEAAAAAAAAAa (ngingitipalagi). nung isang gabi lang magkatext tayooo at super kinikilig ako sa mala nodamexchiaki love story mo. HAHAHAHA! At hanggang ngayon pag naiisp ko kayo kinikilig pa din ako. Hahahaha. You know how mats i love yeh. And i misss youuu na super! Kailangan na nating magkita nila Pana! :) mwua! Laging tandaan, walang malayo sa nagmamahal ng wagas at totoo! Kasal agad! Hahahahah.XD
Hello Sam!!!! (malagkitnagalapong) :) minsan ko din syang nakadaupangpalad sa TA. Dahil may common friend kami. at sa kanyang pagiimbita sa akin na makadalo ng mag meetups sa elbi na hindi ko naman napupuntahan dahil ang layo ko sa kanila at wala pa akong pera noon pero ngayon meron na pero wala naman ako oras at panahon ngayon. HUHUHU.
Manong John! (juanrepublic):) Hindi man kita nakakausap ngayon, madalas pa din akong tumambay sa iyong blog. Minsan ko atang tinanong sa kanya kung ano yung damuhong. (ah, tanda ko na. dahil related sa damuong post ko nuon na tawag ng mga katutubo sa mga lowlanders.) He once promoted piracy to me. chos! Juan Pablo Dream download. Sharing is not a crime diba? hihi. And, si master kukay ay sa flame of recca, hindi zenki. Amsterdam! XD Good times! Manong john. :)
Kuya melboy, bago ko palang sinusubaybayan ang blog nya pero nakakatagos lang sa lungs yung payo nya sa akin nuon. Sinunod ko yun! Mahirap lang. Hahahah. :/
Minsan ko din nakadaupang palad sina tumblrrmokong at beben kahit maikling panahon leng. At si Mangpeds puro may HAHA :) sa mga TAs nya dito. Ano kaya yung pinaguusapan namin nuon? Hahaha. XD Ang saya lang ng inbox ko. Ang sarap balikan ng nakaraan. Napapangiti ako ng ganito kahaba. ^______________________________^
Kaya hindi ko magawang magdeactivate dahil sa mga nakikilala ko sa mundong ito. Ang sarap bisitahin ng mga blogs nila. Dito, wala akong dapat alalahanin kundi ang tumawa at makirelate sa mga post nila. Dito walang pressure. Dito walang officemates na nangungulit. Dito walang dapat i-please na mga bosss. Dito walang stress, maliban nalang kung mabagal magload ang dash dahilsa bagal ng inernet. Charot. Lagi ako updated pag dito ako nakatutok. Dapat ipromote ko sa office na dito nalang system namin ng reporting. Lagi siguro akong top kung ganun. LOL.
At dahil dyan, nagutom ako. ciao. maghahalukay pa ako dito ng makakaen. Krusada na. Manood tayo guys and gals. :)