One of the things Tumblr had given me is the chance to meet beautiful people, inside and out. No doubt, you are one of them. Hindi ko ito sinasabi sa 'yo dahil birthday mo, alam mo yan. Sorry kung noong una ay hindi tayo close dahil naiintimidate ako sa 'yo, ang talino mo, ang ganda, galing magsulat, lahat na. THEIMPERFECTGAL was not really the url for you. Later did I know na kaya pala hindi ka rin nakikiclose sa akin kasi naiintimidate ka rin. Haha.
Your first message para sa akin dito sa Tumblr was about the photo. The picture you were asking from me para malagyan mo ng mustache. Bagay rin sa akin ang bigote bilang gwapo rin ako. Ang sumunod ay ang reply mo sa isa kong post na tungkol sa paborito kong green tea. C2 green tea ang paborito ko o basta green tea at ang sabi mo, paborito mo rin yun. See? Naaalala ko pa.
"I love you, Hazel >:)<" Yan ang sumunod na TA patungkol sa acad downfall ko. Hindi ko na napansin ang mga sumunod. Basta araw-araw, maya't maya ay magkaTA na tayo. Simple o malalim na bagay e napapag-usapan natin. Naging close tayo nang hindi ko na namalayan. Parang kagabi lang e magkausap tayo tapos sasabihin mong namimiss mo na agad ako. Sobrang natatouch ako.
Sabi mo, pangarap mo akong makakwentuhan sa isang inuman. Natatakot ako kasi baka magkahiyaan lang tayo pero nang nangyari yun, hindi naman. :)
Natutuwa akong makilala ka. Hinahangaan kita. Sobra. Mula sa kagandahan hanggang sa katalinuhan hanggang sa kabaitan, iba ka. Nagpapasalamat ako kay Papa God na nagbigay siya ng path para sa friendship natin at salamat rin sa 'yo at nakipagmeet ka sa akin halfway. Salamat talaga.
Masaktan ka man ngayon, masaya ka man, galit o kung ano pa man, tandaan mo, pwede mong sabihin sa akin. Pero alam mo rin naman sigurong hindi ako palaging nag-uusisa pa masyado kasi baka mamaya, foul na pala. Hehehe. Basta, you are one of the greatest person I've met and surprisingly, that's one of the things I never thought cyberworld would give me.
Darating din ang taong makakakita kung gaano ka kaamazing. Darating din yung hinihintay mo, yung kaya kang saktan pero hindi gagawin. Darating din yun pero huwag kang tumigil sa paghahanap ha. Baka kasi andiyan na e hindi mo pa makita dahil hindi ka naghanap. Hehehe.
Basta Bibi, thankful talaga akong nakilala kita at naging kaclose. As in. Paulit-ulit. You are blessed with so many things to be sorrowful. Smile ka lang palagi. And you know what? I am also blessed! Pwede bang ikaw lang? Haha. I am blessed because God had given me a friend, a true friend.
Ang haba na nito, Bibi. Basta salamat sa tiwala. Hindi mo alam kung paano mo ako napapasmile at kung paano mo napapafeel sa akin na may silbi pa akong kaibigan sa tuwing nagseshare ka sa akin. Salamat talaga. Sana mas makilala pa kita. Alam kong marami pa akong hindi alam sa 'yo at gusto kong malaman yun as soon as the time will let us. Kahit pa kagaguhan o seryosohan, handa ako. Isa nga rin yun sa mga nagustuhan ko sa 'yo. Walang arte masyado. Pero siyempre, maarte tayo, right? Hahaha.
Bibi, ito nga pala ang request mo. Akala mo ba nakalimutan ko? Hindi noh! Hahaha.
Happy birthday, Bibi Paouie! I love you! And thank you so much!