Slight hiatus
Medyo-medyo nawala ako sa mundong ito nung nakalipas ng mga araw. Naka-queue lang lahat ng post ko dahil sa sobrang busy ng nakaraang linggo.
Una dito ay ang pagpasok ng hell week ko bilang isang estudyante. Sinabayan ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng isang damakmak na pagsusulit.
Pangalawa naman ay ang training namin para sa upcoming na competition namin sa Diliman sa darating na Pebrero 27 taong kasalukuyan, bilang isa namang cheerleader. Dagdag sa mental torture ang physical torture. Although na ganito, masaya pa din dahil ang kasama ko ay ang pinakamamahal kong pepmates na sa likod ng bawat pagod sa pagbubuhat ay hindi pa din maaalis ang saya na dulot ng bawat isa.
Pang huli ay ang Feb Fair bilang isang tao. Dumagsa ang mga kaibigan namin mula sa Tumblr dito sa LB na kahit na maputik at maulan sa nasabing fair ay go na go pa din sila. Nabalanse ng pagod at hirap ng exams ang mga tawa at ngiting dulot nila sa akin.
Maraming salamat nga pala sa inyo sa pagpunta dito sa LB:
Jiriku (jiriku)
Gab (raspmochaccino)
Nay Becs (stfucisdgadilp ang dating porkandbeans)
Mabel (marieandmadness)
Eva (evanese)
Kevin (thenameiskevin)
Jerty (thenameisjerty)
Pat (ohpatrick)
At syempre sa mga residente na ng LB:
Riji (rijikulot)
James (masakitsabangs)
Bro. John (juanrepublic)
Chea (cheadela)
Hen (akosimangpeds)
Michael (michaellearnstorock)
Ilang araw na akong puyat at pagod, mentally and physically, pero okay pa naman. Ang importante ay masaya tayong lahat.
Hindi na din ako nakapag-update ng project 366. Di bale, mamaya ay ipopost ko na sila. Hahabol na lang.
Infairness, na-carry ko ang mga pangyayaring ito. Ako pala si Superman. Lels. Ganito pala ulit ang mangyayari sa akin this week minus the Feb Fair kasi tapos na. *buntong hininga*











