Okay magkkwento lang ako.
Nagapply ako kahapon ng trabaho sa Ortigas, 12:30 ako nakaschedule for initial interview and skill test. Dahil excited ako, 8 palang umalis na ako ng bahay kasi hahanapin ko pa yung company na yon. Sa MRT Q.Avenue grabe na yung haba ng pila, as in mahaba kaya don palang natagalan na ako. At eto pa namali ako ng pwesto don sa tren nasa kanan ako pero don pala sa kaliwa bubukas ang pinto ang ending hindi ako nakalabas sa ortigas dahil siksikan. Pakshet. Sa isip isip ko "sige sa Shaw nalang ako bababa" pero pagkwan ko ng card don sa kwan, beeeeeeeep insufficient balance. Akala ko pareho lang eh hahaha tas yon sinabi ko na lumagpas ako pinagadd nalang ako ng 4 pesos.
10:30 siguro non inisip ko magtaxi nalang kasi di ko talaga alam pero habang naglalakad dahil nga walang taxi nagtanong ako sa barker kung san yung building na hinahanap ko, ang sabi nya malapit lang daw lakarin ko nalang. Direcho tas kaliwa pero habang naglalakad ako hinahanap ko ang Jollibee Plaza pero Jollibee Center nakita ko. Edi para sure nagtanong tanong ako ang sagot nila sakin ay yung Jollibee Center na nakita ko. Gusto ko sanang pumasok na sa building kaya lang masyado pang maaga kaya kumain muna ako at hinintay ko mag12. Aba pagpasok ko don sabi nung guard don hindi daw don. Ay pakshet talaga 12 na non. I only have 30 minutes, abang ng taxi pero puro may laman kaya naglakad lakad ako nakarating na ako ng megamall kakalakad tas don may taxi na, nakasakay na ako pero sabi ni kuya lakarin ko nalang malapit lang naman kasi traffic. Edi nilakad ko. Lakad lakad lakad tanong tanong tanong. Napakalayo na ng nilakad ko. Gusto ko na umuwi eh. Kapag sinasabing "malapit na" daw lumalakas loob ko pero yung paa ko hinang hina. Pisti. Hanggang sa nagtanong ulit ako tas nung tinuro na nya yung building woah abot kamay na. 12:40 na non. Problema ko e mukha na akong nagahasa dahil sa pagod ko tapos pawis at mukhang bruha dahil sa lakas ng hangin.
Pagpasok ko edi sinabi ko ang company binigyan akong ID, sakay naman agad akong elevator. Nagtaka ako hanggang 9th floor lang tas di ko alam kung anong floor ako. Ay tanga. Hanggang bumaba ulit yung elevator tas tanong ako sa guard san floor tas ayon yung binigay nyang ID sakin andon pala ang floor medyo tanga. Hahaha at sa kabila pala ang elevator. Kahilo eh sobrang taas feeling ko masusuka ako. Hahaha #TagaBundok. buti nakapagpahinga ako ng konti saka ininterview. Ako lang ang applicant kahapon. Madali lang yung interview. Tas yun nagskill test na. Yung PC ng trainer ang gamit ko tas nakabantay sya sakin. Photoshop and Illustrator yung exam. May instruction kung ano gagawin ko pero basic lang at dahil basic sya ang dami ko di alam. Hahaha. Yung mga bagay na hindi ko pinapansin kapag nageedit ako. Kakatawa eh wala na ko sinabi kundi "sir pano ba to?" tapos yung tinuturuan nya ako minsan pa sya gagawa hanggang natapos ko. Sinabi ko na nga sakanya na bagsak na ako sa exam. Kung kelan basic lang eh tapos iba lang yung term na gamit nya pero alam ko naman kung paano. Hahaha :(( 45 minutes yun tapos nagkwentuhan nalang kami, sya nalang ininterview ko. Ang galing nyang graphic artist bilib na bilib ako eh. Hahaha.
Sabi sakin eh tatawagan nalang ako kapag natapos na lahat ng applicant. Hihintayin pa yung ibang applicants saka sila pipili. Di din naman ako umaasa na makapasa pero no regrets, di ako nanghihinayang sa naexperience kong paglalakad mula Shaw gang Rob Galleria pero leche talaga hahaha. Yung nakausap ko sya kase naiinspire ako mga kwento nya pero ang humble nya. Pinakita nya sakin ibang resume ng applicant, ang dami nilang training hahaha ako nganga. Basta ayon masaya pa din ako talaga na nakilala ko si Sir. Sana makapasa kung hindi, hindi pa para sakin yun pero ang saya ko talaga kahapon. At dami nyang tinuro sakin at madami din ako natutunan. Magpractice na daw ako paguwi ko ng bahay. Hahaha.
Yung sticky note nya sa PC nya nilagyan ko ng message: Thank you Sir. I hope to see you again -N. #GalawangN. HAHAHAHA










