Confession #6240: Ang hirap magkagusto sa taong alam mong kaibigan lang ang turing sayo. Yung alam mong grabe yung pagmamahal nya para dun sa taong gusto nya. Yung tipong handa syang maghinaty para sakanilang dalawa. Sinugal ko yung puso ko kasi baka may tamang panahon din kami at nagiwan ako ng mga salita sa puso ko na baka kapag napagod sya sa pag hihintay nya dun sa babae baka mapansin nya ko. Sabi nga ng mga kaibigan ko hayan ko nalang na lumipas yung mga araw na maging mabuti akong kaibigan para saknya. Yung kaibigan na nanjan palagi para saknya, hindi sya iiwan, handang makinig sa bawat salita na lalabas sa bibig nya, at iparamdam saknya yung pagpapahalaga mo. Pero hanggang kelan yun? Hanggang kelan ako magiging tanga na umaasa sa bagay na mukang imposible? Kelan ko mararanasan na mahalin pabalik? Pero sabi nga nila pagmahal mo hindi ka titigil kahit na alam mong nasasaktan ka na kasi mahal mo eh, handa kang magpakatanga at Masaktan.














