Confession #6250: Hindi ko na alam gagawin ko. Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko. Hindi ko na kaya magtago sa mga ngiti ko, sa tawa ko. Alam mo yung feeling na sobrang sakit pero kailangan mong umakto na parang ayos ka lang.
My mom and dad, lagi nila ako ikinukumpara sa iba. Gusto ko malaman nila na hindi ako the best at kahit anong gawin ko di naman nila na aappreciate kasi sa iba nakatuon atensyon nila. Akala ko pag nagopen ka sa parents mo gagaan ang loob mo. But no… Sila pa mismo ang nag down sakin. Lahat ng choices ko sa buhay sila ang gumagawa at hindi ako.. Sila ang kumokontrol kaya sila ang sumasaya hindi ako.. Hindi ko alam kung kailan ko mahahanap yung kasiyahan ko.
Malapit na ako gumive up. Ang bigat sobra.
—Ems












