"I miss my comfort zone."
After ng 1 month na iwasan, awayan at sumbatan. Pagmamatigasan, di pagpapansinan, pasakitan. Nandito na naman ako. Akala ko ang strong ko na. Akala ko kaya ko na kahit wala sya. Pero dahil lang sa isang I miss you, at pagkakasama sa swimming parang nasira na naman lahat ng diskarte ko. Though di kami nagpapansinan don sa swimming. Haay. Bakit kasi naflat ang motor ni dan, di tuloy kami nahatid sa villongco ni al. Kaya napilitan kami matulog sa kanila. Hindi pa din kami nagpapansinan. Di nako nakapasok kaya nagstay nako don hanggang after lunch. Natutulog ako sa taas nun dumating sya tas nahingi ng vicks. Tapos ginulo gulo na naman nya buhok ko. Dun ko naisip na tangina. Miss na miss ko na sya. Di ko na kaya. Nagchat na sya, tapos tinanong ko kung seryoso sya na namimiss nya ako at kung tunay yung sinasabi ni kuya aidan nakatitig sya sakin nung gabi. Hahahaha. Oo daw. Miss na miss na daw nya ako. Kaya nagkita kami dun sa bahay nila para sa 1minute hug. But fuck. That's the best hug we ever had. Tanging nasabi na lang nya ay ang saya nya. At nawala lahat ng problema nya dahil sa hug na yon. Then umuwi na ako, tapos magkachat na let kami at nag aasaran. He wants more hug daw kaya nagpunta sya sa bahay. Haay. I miss him so much, magkahug lang kami tas nagkwekwentuhan ng mga nangyari nung di kami nag uusap. Haay, ano ba to. Sobrang saya. Pero alam ko naman na mali. Alam kong di na talaga dapat. Di ko na alam gagawin ko. Bago sya umuwi nag hug pa din kami ng matagal tas sabi nya, "I'm back in my comfort zone." Nag-usap kami ng wag pa din magpansinan sa harap ng iba. Pero tangina ang sama ko. Nagpapaboogie na naman ako. T_T










