#8 Sayang.
Kasi kagabi bago ako mag-basa na ng tuluyan ng She died ni HYSTG, nag tumblr muna ako. Hihi rak na itu, tapos nag check ng dash kung anong bago. Nakita ko yung nag ask na anon kay Ate mariel (marieeeelheartsyou) tungkol kung saan makikita yung mga post niya dati tungkol kay kuya JC. Actually, Hindi ko naman nasubaybayan yung lovestory nila eh. Kasi 2 taon din ata ako tumigil mag tumblr. So ayun, nalaman ko na wala na pala sila ni Kuya Jc (boyfriendngbayan) tas sinabi niya sa anon na nasa tag nga yun na "babe." Nacurious ako kay Anon bakit ba gustong gusto niya makita yun. Kaya tinignan ko yung tag ni Ate Mariel nun.
Kasi gusto ko din kiligin. Nanghahawa si anon eh. Hahahaha
Pag-open ko, hala ang sweet pala nila! Sobra! alam mo yun, hindi ko nasubaybayan kung paano sila nag umpisa pero sa mga pictures, text posts at mga greetings ni Ate Mariel dun sa tag na yun nakita ko kung gaano nila minahal yung isa't isa.
Mga 1 am na nun, pero hala scroll lang ako ng scroll. Hanggang sa sinabi ng ate ko "patayin ko na yung wifi." nasa may part nako na second monthsary nila. edi no choice ako, tulugan na. hindi ko maiwasan mag imagine na someday magkakaroon din ako ng ganung lovelife. Kasi dun sa mga pictures, gifs na nakita ko, Grabe full of love! Nakaka-emoheartxz nga kasi SAYANG eh. May mga dahilan nga siguro kung bakit sila nagkahiwalay pero tama pala si Anon, mahirap mag move on lalo na kung yung love na nakita ko between them, totoo. Kung nasubaybayan ko pala lovelife nila, Isa ako sa mga hirap mag move on. ( wow, kala mo siya yung may jowa )
May nabasa akong quote galing sa 500 days of summer na ano nga ba yun, hindi ko kabisado pero may something na hindi dahil naghiwalay ibig sabihin hindi na nging totoo yung love between them. Kasi minsan daw, when people GROW they grow apart. Siguro, (hindi ko sure) nag grow sila individually—which is good kahit I really don't know the reason bakit sila naghiwalay, Okay din yun na bigyan muna nila ng time yung mga sarili nila.
Na-realize ko na, ayun, kahit gaano pa kaperfect yung love story nila sa mata ko, dapat harapin parin ang reality na meron talagang mga bagay na hindi meant to be, hindi pwede. (Pero bagay talaga sila eh! Haizxts)
Maybe, someday they will find their way back to each other. (Nosebleed) And If that happens, susubaybayan ko na talaga yung love story nila.
Sayang sila. Tama nga si anon, nakakakilig sila at nakakainggit dahil kitang-kita na minahal naman talaga nila yung isa't isa. pero sabi nga nila, Hindi daw sapat ang "love" lang sa isang relationship... Emoheartzx ba?









