Share ko lang.
Kanina napanuod namin yung I-witness docu ni Kara David. And yung fineature na bata dun, sobra kong naawa and na amaze sa kanya.
12 years old palang sya. Pero grabe lang, sumisisid kasi sila sa dagat para kumuha ng mga pwdeng ibenta sa palengke. Sa umga halos 6 hours syang sumisid tapos sa gabi sumisisid ulit sya. Ginagawa nya daw yun para daw may pambaon sya, para makapag-aral.
Pinaka masaklap? at the end of that day kumita lang xa ng halos 300, tapos 9 pa silang maghahati hati dun :((
... And when Kara asked him what he wants to be in the future? He just said "pangarap ko? Paglaki ko gusto kong maging janitor! ^_^ (alam mo yung feeling na parang tuwang tuwa sya, sobrang saya nya habang sinasabi yun)
Grabe maiyak iyak ako nun pagkasabi nya </3 :'<. Sobrang BOW ako sa bata, kasi kahit ganun yung kalagayan nila, matyaga sya, masikap at higit sa lahat, MARUNONG MANGARAP! Hindi man siguro sobrang taas nung pangrap nya para satin, pero sa kanya mahalaga yun at patuloy nya paring pinahahalgahan. Nakaka mangha talaga sya! ang positive nya sa buhay kahit ganun. ^^
Tayo NAG-AARAL para magka TRABAHO, pero sya NAGTA-TRBAHO para makapag-aral :']
















