N O S T A L G I A
Minsan, ang pinaka ayaw kong part e yung last minutes ng araw. kasi, Nakakainis yung kapag matutulog kana eh biglang magfa-flashback lahat lahat. Lahat ng nangyari sayo, lahat ng mga masasakit na nangyari, lahat ng mapait na sandali kasama ang isang tao. Yung mga tipong ganun ba. Yung mga "what ifs" na thoughts. Yung mga regrets and mga dapat na ginawa mo dati. Yung mga problemang pilit mong tinatakasan. Yung mga katotohanang kailangan mong harapin. Yung mga bagay na gusto mo makuha na parang napakahirap makuha. Yung mga nakakainis na nangyari sayo. Yung lahat lahat ng sakit at pait na nagiging dahilan kung bakit namumugto mata mo kapag umaga at nagiiwan ng luha sa mata mo bago ka matulog. :( Pati na rin yung mga nakakakilig na nangyari, yung mga waging nangyari sayo sa araw na yun. Yung mga masasayang moments with other people, yung mga makalipad hangin na feeling na nangyari at iba pang nakakabighaning mga pangyayari. Nakakatawang isipin kung pano kayang ibalik nang last minutes ng araw natin ang lahat nang sakit at saya na nangyari.












