Dahil hindi ako marunong magbahagi,
Itinatago ko ang sarili sa kanta, sa tula, sa ngiti, sa katahimikan.
Ako'y isang bagyong hindi tumama sa lupa,
Nginig na tinatago sa loob ng bulsa.
Kung dudungaw ka sa aking mga mata
Makikita mo ang pagtanggi sa kurba ng aking labi.
Kung makita mo akong tumungo, dahil ako'y nagsasawa na sa pangungulit ng tinig nang pagpapakilala.
Ninakawan ako ng boses nang nakaraan,
'Masakit sa tenga, Hindi ito maganda, hindi ito mabango, hindi ito malinis,' 'yan siguro ang nasa isip niya kaya itinakas niya ito sa akin.
Ang halakhak at ngiti, ang hagulgol, ang pagkapanatag, ay pahiram lang ng kasalukuyan.
Hindi ako misteryo, normal lang ako kagaya mo,
kaya 'wag mo nang subukang lumangoy sa malalim na karagatan
Huwag mong gambalain ang kapayapaan nito,
Kakasabi ko lang, hindi ako misteryo,
Isa lang akong batsa at kahit kailan hindi ka magkakasya dito.