expect the worst x
hello to you :)
days na rin ang nakalipas when i tell you everything i feel, hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko or not. But still, wala naman akong pinagsisihan na sinabi ko sa’yo lahat lahat ng pwede kong sabihin. Actually. sobrang kabado ako nung sinabi ko sayo yun lahat. Alam mo na, kahit naman ready na ako (siguro) nung mga panahon na yun, e syempre kinakabahan pa din naman ako sa mga posibleng isasagot mo. Pero gaya nga ng sinasabi ng iba, EXPECT THE WORST daw, para di ka ganoong masaktan. Pero syempre, alam ko namang di maiiwasang masaktan no. Kaya kahit papaano ay niready ko pa din yung sarili ko. HAHAHA. Too funny for me, kasi para na akong baliw nung mga panahong yun kakaisip. Hahahahaha. Pero sa kabila ng lahat, i still made it. Para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Joke!! Hahaha. So ayun, nung una sa text lang tayo nag uusap pero naisip kong sa twitter (dm) nalang kasi iniscreenshot ko nalang din lahat ng sasabihin ko sayo para isesend ko nalang ung pic sa dm nga. Kinabahan akong sobra, shuta ka!! Pero ayun nga, di naman ako nag eexpect ng kahit ano sayo. And as I expected, hindi nangyari yung mga iniisip (or much better, mga gusto ko) na mangyari. You said the total opposite ng mga gusto kong mangayari. I was too f***ed up that time. Parang di ko alam kung saan ko pupulutin yung sarili ko. HAHAHA ang t*nga lang kasi, akala ko kaya ko tanggapin lahat. Pero nung sinabi mo sa akin na, “alam ko naman yun eh, ramdam ko. Pero sorry talaga amha, kasi di ko na kayang suklian yung feelings mo.” I was like a puzzle na unti unting nasira at nag back to zero. Sobrang fragile ko that time. Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Hahahaha. I pity myself for falling inlove with you. Parang naiisip ko that time na kung hindi rin naman pala ikaw, edi wag nalang. Pero ayun nga, naisip ko na di naman pwede na ganun na lang ako, I need to do something else. Kasi hindi lang naman siya ang dahilan para mabuhay ako, may mga bagay akong mas dapat isipin. Kaya kahit na anong sakit pa yan, bumangon ako ulit. Para na rin sa sarili ko, kasi first and foremost, ginawa ko naman yun para tulungan yung sarili ko e, to have a closure for myself. And now, kahit na alam kong im still not one hundred percent okay, atleast i can manage it. Hindi yung wala na akong magawa na iba, dahil lang doon.
Learn from your mistakes, sabi nga. So I do it. Yung mga bagay na nangyari sa past ay hindi dapat kamuhian, because God use that experiences to mold you to become a better person. :) So imbis na ma-stuck tayo sa past, we should learn to move forward, at gamitin yung mga masasakit na experiences para di na natin ulit gawin. 2 years, 2 long years na hindi ko binigyan ng chance yung sarili ko na tumingin sa iba. Pero ngayon, priorities first. May ibang bagay na gustong ipagawa sakin si Lord ngayon, i should focus on my studies and my ministry. :) Kaya, ayun yung gagawin ko. God revealed to me na i should not be worried about love, because He is there, and I will always be loved, by HIM. :) Kaya THANK YOU LORD! <3












