Ginhawa: Sining ng Pa(g)hinga
Naunawaan ko ang kahulugan nito dahil sa Center for Babaylan Studies. Una ko itong narinig sa “Kultivating Kapwa Podcast” panayam kasama si Leny Strobel “Auntie Leny”.
Makahulugan ang Ginhawa para sa akin na nagmula ang salita na ito sa Cebu, isang “Cebuano” na ang ibigsabihin ay breath o paghinga.
Isa ito sa mga Decolonization work na napapanahon ngayong pandemya, kasama ito sa elements of care na inilunsad ng CFBS. Sa pagkakaroon ko ng interes sa Sikolohiyang Pilipino hinanap ko ang ugat, kahulugan at gamit/koneksyon nito sa pagsasabuhay, katawan at lagyo “embodiment”.
Kaya napangalan ko ang ginagawa kong Journaling. Ginagawa ko na ito nung natuto akong magsulat ng tula hanggang sa napadalas ang pagsulat ko nung nasa formation program ako ng Sienna College.
Journal mula 2016-Present
Ito ang naging espasyo ko kapag naalala ko ang labas at mga taong malapit sa akin. Lumalim rin ang aking pananampalatayang espiritwal sa araw-araw na pagsulat ko ng journal entry o “devotion”.
May ugali akong magduda sa sinasabi ko. Kaya takot akong magsabi ng mga nararamdaman at nararanasan ko.
Lumaki akong bully at na-bully rin. Pero ang karanasan na mas tumatak ay ang na-bully. Totoo nga siguro may mas hihigit sa’yo o baka binalik lang din sa akin ng mundo. Walang takas ang mga kilos natin.
Lahat ng bagay na ito ay natutuhan kong i-kwento. Makapag-express ng sarili sa pamamagitan ng arts. Ang sarap namnamin ng pakiramdam kapag nasa proseso ka ng paggawa. Walang nakatingin sa’yo. Walang pagkakamali. Ikaw ang gagawa ng ikakaligaya ng sarili mo. Mundo mo iyan hindi ka tiga labas. Naniiniwala akong ang lagyo ang sumasabuhay sa oras na iyon.
Kaya itinuring ko itong espasyo na kung saan maari kang Makahinga. Makapaghinga.
Gusto ko ibahagi sa inyo ang Sining ng Pa(g)hinga.
Ginhawa art’s and crafts cafe strolling