CR, Nasaan ka nung panahong kailangan kita?
Lechugas talaga tong araw na 'to. Ang sakit sa kalooban, sobra, Alam mo yung feeling na pinaglalayo talaga kami, lahat humahadlang sa amin ang sakit sa part ko yun, lalo na sa pantog ko. Shoooot.
HAHAHA. leche talaga, grabe nung umaga kasi hindi ko pa talaga nararamdaman yun, tapos nung pagkahapon ayan na, nararamdaman ko na atalaga siya, pero pigil lang keri parin. TAPOS nung 2 hours nalang ng klase, anak ng teteng! Ihing ihi na talaga ako lesheplan. Tapos nagpasama ako, grabe yung sumama sakin ang laki niyang tulong, dinala niya lang ako sa kung saan hanggang sa sumasayaw na ako sa daan habang naglalakad, kasi wala na talaga nawiwiwi na akoooo! OMOH. Eh kasee naman eh yung building may sarili talaga yung CR na para sa amin lang, eh kaso inayos yung mga restrooms sa taas at sa baba ng bonggang bongga edi wala akong mapaglalagyan, shoot tapos halos nalibot ko na yung buong PNS, wala ng pride pride LOL, pano napasok yun? Kaso wala talaga naikot ko na yung buong school, tapos buti nalang nung ikalawa si Clare na kasama ko naalala niyang may CR pala sa Multi, kaso sarado ulit, anak ng-- tapos YEY! buti nalang naalala kong may CR pala sa may bandang Industrial Arts. YEAH, thank GOd. success. Haha Ang laki talaga ng problema ko ngayong araw. woo











