BAKA KAILANGAN MO MUNANG HUMINTO SAGLIT
Sabi nung isa, βButi pa siya ang ganda ng trabaho sa abroad samantalang ako andito pa rin sa Pinas.β
Sabi naman nung isa, βButi pa siya magkakasama sila ng pamilya niya sa Pinas samantalang ako mag-isa lang dito sa abroad.β
β-
Sabi nung isa, βButi pa siya may asawa at mga anak na.β
Sabi naman nung isa, βButi pa siya, ang sarap ng buhay pa-travel travel na lang. Single kasi.β
β
Sabi nung isa, βButi pa siya may lovelife. Samantalang ako 29 na single pa din.β
Sabi naman nung isa, βButi pa siya single. May time pa rin magwalwal kasama ang tropa niya.β
β
Sabi nung isa, βKainis. Ang bobo ko talaga. Isa na lang mapeperfect ko na yung exam.β
Sabi naman nung isa, βPakshet. Isang point na lang nakaabot sana ako sa passing score.βΒ
β
Sabi nung isa, βButi pa siya busy sa negosyo. Siguro ang yaman na niya.β
Sabi naman nung isa, βButi pa siya may peace of mind, pa-Netflix Netflix na lang.samantalang ako stressed sa negosyo.β
β-
Sabi nung isa,Β βButi pa siya masaya.β
Sabi naman nung isa,Β βButi pa siya mas masaya.β
β-
Gets mo? Minsan, yung mga bagay na inirereklamo mo ngayon, hindi mo alam matagal na palang pinapangarap ng iba.Β
Sa lahat ng sitwasyon palagi tayong may makikitang kulang. Palagi nating makikita kung ano ang wala tayo kaya pakiramdam natin hindi pa rin sapat. Kasi mali yung konsepto natin kung paano maging masaya. Ang ginagawa nating basehan ng kaligayahan ay ang kaligayahang nakikita natin sa iba. Kaya ang ending, instead of actually finding happiness, you find disappointment.Β
Hindi masamang mangarap na βSana, we could have the best of both worlds.β Wag nga daw tumigil mangarap di ba.Β βDonβt settle for something less than you deserveβ nga daw.Β Pero minsan sa sobrang focused natin in βThe Pursuit of Happinessβ nakakalimutan na nating maging masaya right at the moment.Β
Siguro, baka kelangan muna nating huminto saglit at namnamin pansamantala ang mga bagay na meron tayo para marealize nating walaΒ yan sa taas o sa baba ng pangarap o sa layo ng narating mo. Dahil minsan, mas masaya pa yung simpleng mekaniko sa trabaho niya kesa dun sa Mechanical Engineer na naka-based sa Doha.Β Dahil minsan, mas masaya pa yung dalawang magjowang tambay lang sa tindahan na may inner peace habang humihigop ng milktea kesa dun sa magjowang nag 3days-2nights sa Bali.
At the end of the day, itβs about being grateful with what you have kahit nasaang sitwasyon ka pa; Unli-Samqyeopsal ma yan o bente pesos na kwek-kwek lang sa kanto, Tahitian Vanilla Macchiatto man yan o limang pisong palamig na puro sago.Β
Malay mo, dun pa rin pala tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron na tayo dati pa. βCoz where we are depends on how we look at things.
Blessed ka pa rin. ;)
















