I’ll make this straight to the subject.
I hate to admit but when I saw you earlier, it felt like in a snap you became gwapo “again” in my eyes. (gutom lang ‘to 🤦🏼♀️)
Ewan ko ba. Wala ka nang effect sa’kin sa nakalipas na mga araw, linggo at buwan eh. Pero biglang kanina nung makita kita na bagong gupit, ayan, nagwapuhan uli.
Tapos eto ko ngayon, hopeless romantic uli. Napapaisip..
Tapos na ba talaga? Wala na ba talaga? Hindi mo na ba talaga ko gusto? Hanggang diro na lang ba ang kwento natin? Kapag nakikita mo ko, wala ba kong dating sa’yo?
Parang ako lang yung nasaktan sa’tin. Pero ikaw.. wala lang sa’yo. Baka ang nafeel mo lang that time is yung guilty ka dahil nahurt mo ko. Pero ako hindi ‘yon eh. Nasaktan ako dahil hanggang doon na lang tayo. Wala na bang part two?
Pero biglang napatanong uli ako. Weird.
So ano ibig sabihin nun? Gusto na naman kita? Hay.
Ayoko na eh. Nangako na ko sarili ko na hinding hindi na ko mafofall sa lalaking hindi naunang nagkagusto sa’ken.
Ayoko na kasi maghabol. Ayoko na mafeel na puro ako lang yung may gusto tapos sa huli ako lang din yung masasaktan. Kaya masyado nang mataas yung pride ko sa ganito.
Hinding hindi ako manliligaw ng brother o magpapacute sa brother para lang magustuhan niya ko.
Dahil ang pagmamahal hindi dahil sa pagmamakaawa. Hindi sa pagpapaawa. Hindi hinihingi. Hindi pinipilit. Kusang darating nang hindi mo inaasahan.
Pero ngayon, bigla namang parang ewan. Hay.
Bakit ganito naiisip ko sa’yo? Siguro magkakaroon na ko kaya uo and down na naman emosyon ko. And i’m sure kabaligtaran ‘to ng mangyayari sa reyalidad.
Magugulat na lang ako may nililigawan ka na. Siguro masasaktan pa din ako kapag nangyari yun. Haha. So magpepretend na naman ako na hindi ako apektado.
Pero okay lang. Hindi ko lang talaga agad natanggap na wala na talaga.
Bakit ba ‘ko umaasa sa’yo? Haha. Para namang ikaw lang lalaki sa earth.
Hay. Di bale lilipas din ‘to.
Masyado lang akong loyal. 😂😢🙄