Nagopen ako ng Kabayan Savings account kanina sa BDO. Nung nakuha ko na yung card at passbook ko, dumirecho kagad ako ng atm para magchange pin. Etong atm na to is designated talaga for changing your atm card pin. Nung nasa atm, inapproach kagad ako ni manong guard.
G: Iha, magchange pin ka ba?
Me: Opo, sir. 😀
G: sige turuan kita ah. Ganito…
Me: ay sige po, salamat po.
G: mag isip ka na ng 6 numbers ah. Wag yung birthday mo. (Siya ka yung nagsalpak nung atm card at nagpindot pindot) o ayan yung 6 numbers mo. Pindutin mo jan.
Me: oks na po sir. Salamat po.
G: o ayan! Okay na! (Seems very happy at nakapagassist siya) kabata mo naman magabroad! Ingat iha.
Me: salamat po 😅
I looked back at inaassist niya talaga lahat ng nagopen ng account. Smiling happily. Engaging small convos.
Hindi ko alam kung ako lang ba yung ganito, yung kahit alam ko yung isang bagay basta may nagkwento sakin i will act na hindi ko alam or first time ko malaman yung shineshare niya. Ewan ko. Hindi talaga ako mahilig sumapaw e. Hahaha. Na pag nagkkwento ka, icucut kita kasi “ay alam ko na yan”. Walang ganon. Kahit yun lang topic natin kapag nagkakausap tayo, ill let you share. Wala lang. Ang saya lang makasaksi ng genuine happiness. I always give way. ☺️ hoy pero Hindi chismis sa ah. Di ko hilig yon. Yung ganito - gaya ni manong guard. Kahit alam ko naman na kung paano mag change pin bilang di naman ito ang unang beses ko magopen ng account, e i give way.
Hay. Life is so good. ❤️










