Hmmmm. Una sa lahat, natatakot akong i-describe siya. Kasi ayokong makita o ma-imagine ng iba kung gaano siya kaperpekto sa paningin ko. Kumbaga, ayaw kong may magkagustong iba sa kanya. Naka-move on na ako, pero di ba pag gusto mo talaga ang isang tao, masasaktan ka pa rin kapag may magkagusto sa kanya tapos magiging sila pa? Kasi maiisip ko na sana ako iyon, na dapat ako iyon eh. Parang ganun..
Pangalawa, hindi ko lang siya simpleng crush. Siya ang first love ko. May unawaan kami kahit hindi naging officially kami. Hindi ko alam kung dapat ay natuwa ako na hindi naging kami kasi break up lang din naman pala ang kahahantungan o magiging malungkot ako kasi hindi pa nga naging kami natapos na agad. Pero basta. Ganun.. Kaya mahirap para sa akin na i-describe siya. Minahal ko iyon at mahal ko pa rin hanggang ngayon, kaya bias na kung sakali..
Pangatlo, baka may mga taga-Cebu dito tapos nakakilala pa sa kanya. Hindi niya alam ang blog kong ito. At wala akong balak na ipaalam sa kanya na nakasulat ang pangalan niya sa bawat entry ng diary blog na ito. Ayokong malaman niya na umiyak ako dahil sa kanya. Ayoko kasi alam kong hihingi na naman siya ng sorry at magi-guilty na naman siya. Ayoko nun. Ayokong magtatanong siya sa akin kung galit ba ako sa kanya o hindi. Kasi hindi naman talaga ako galit eh, nasaktan lang. Sobrang nasaktan. Ayaw kong lumalala ang guilt niya. Kasi alam ko hindi niya iyon sinadya. Alam kong hindi niya ako gugustuhin masaktan. Nagkataon lang na hindi siya handa sa commitment, na natakot siya sa nararamdaman niya. Ganun lang iyon..
Nasabi ko naman yata dito na sa tuwing magku-krus iyong landas namin, lagi nalang niya akong iniiwasan. Lagi nalang siyang lumilihis ng landas. Ewan ko kung bakit, pero lagi ko iyong napapansin..
Kaya as much as possible, sana hindi niya talaga to mahanap. :)