Mga Pagbasa ngayong Agosto 8, 2019 (Paggunita kay Santo Domingo, pari)
UNANG PAGBASA Mga Bilang 20, 1-13
Pagbasa (Pagpapahayag) mula sa aklat ng mga Bilang
Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita’y nakarating sa ilang ng Zin at tumigil sa Cades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
Wala silang makuhang tubig doon, kaya nag-usap-usap sila laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pa’y namatay na kami sa harap ng Toldang Tipanan kasama ng iba naming mga…
View On WordPress















