So dahil wala akong magawa gusto ko lang i-share ang istoryang ito.
A true-to-life short story ng isang babaeng hindi nabili ang libro ng parborito niyang Author. Itago nalang natin sa pangalan na Rayne Mariano ang author na yun. So hereβs the storyβ¦
Isang araw, taong 2014, di ko maalala kung anong buwan, may 13 year old na babae ang naglilibot sa bookstore. Sa di inaasahang pangyayari, nakita niya sa isang bookstand ang nagiisang berdeng libro na may magugulong letrang title.
Tinignan niyang mabuti ang libro. Pero di niya talaga magets ang nakasulat kaya hinawakan na niya ito. Napaisip nalang tuloy siyaβ¦
βABC ba ang ibig sabihin nito? Pero bakit F na ang pagkatapos ng A? Mali na ba ang alam kong Alphabet?β
Dahil di niya nga talaga alam ibig sabihin nun, binalik nalang niya sa lalagyanan ang berdeng libro at saka pinagpatuloy ang paglilibot sa bookstore.
Ngunit makalipas ang ilang araw, o buwan. Di ko matandaan. Basta ang alam ko lang, sa may grocery, nakita ulit ng babae ang berdeng libro na may magugulong letra. Ngunit ang libro na yun ngayon ay di na nagiisa. Marami na siya ngayon. Bundle-bundle na sila. Pero dahil di pa rin niya gets ang ibig sabihin nun, at alam niyang tama naman ang alam niyang Alphabet, iniwan nalang niya ulit ang mga berdeng libro at binaon sa limot ang mga nangyari.
Dahil dalawang taon na nga ang nakalilipas, 15 na ung babae. Ibig sabihin, marami na siyang nabasang kwento sa wattpad at marami na siyang alam tungkol sa mga libro-libro.
Isa sa mga nabasa niya na ang 23:11 at 11/23. Ngunit dahil tapos na niyang basahin ang dalawang kwento na yun, pumunta siya sa profile ng new peburit author niya na si pilosopotasya para maghanap ng bagong mababasa.
Sa pagbukas niya ng profile ni pilosopotasya, di niya inaasahang makikita niya ang pamilyar na magugulong mga letra.
Isa lang ang pumasok sa isipan niyaβ¦
β$#!?! *CENSOR* %&*!!! Siya yung author ng librong yun!?!?β
At dahil nga nalaman niyang siya ang author ng librong yun, tinignan niya ito. Abot langit ang ngiti niya ng makitang di pa βto deleted.
Nabasa niya ang unang dalawang parts. Napagalaman niyang sample at patikim daw yun sabi ni Otor. Dalawang chapter lang yung sample, tapos prologue na nung watty version na ang kasunod.
Sobrang nagustuhan niya yung sample na yun. Gusto na nga niyang bilhin yung libro eh. Pero nang marealize niya na 2014 pa na-publish yun, tatlo lang ang pumasok sa isip niyaβ¦
- Mag time travel, mag time travel at mag time travel.
Di niya alam kung anong mararamdaman niya pagkatapos malaman yun. Gusto niyang maiyak. Ayaw niya kasing basahin yung watty version dahil ayaw niya ma-spoil. Pero dahil alam niyang wala na siyang magagawa, binaon nalang ulit niya sa limot at sinubukang mag move on.
Makalipas ulit ang ilang araw, nangangalkal ulit siya sa profile ni pilosopotasya. Di ulit inaasahan, nabasa niya ang book na may title na βP L S P T S Y Aβ na kasama sa works ni pilosopotasya.
Sobra siyang na-spoil sa book na yun. Lahat ng nakasulat doon, ay tungkol sa berdeng libro.
Bumalik nanaman tuloy ang kagustuhan niyang bilhin ang berdeng librong yun. Natanong niya tuloy sa sarili niyaβ¦
βOmg! Sino ba talaga kasi si Nate? Si Art? Si Cloud? Si Ianne? Bakit nung nabasa ko yung sample chapter, si Ianne at si Nate? Bakit nung last chap, sila na ni Art? (Shunga kasi yung girl. Tinignan agad ang ending.)β
Pero ayun, gusto niya ulit maiyak dahil alam niyang wala nang pag-asa pang mabili yun. Kaya nagsulat nalang siya ng letter tungkol sa hinanakit niya sa di niya nabiling libro. Balak niya sanang i-send βto sa author ng librong yun, pero di niya kayang i-send. Nahihiya siya. Kaya binaon nalang ulit sa limot at sinubukan mag move onβ¦
PERO! Mapagbiro talaga ang tadhanan. Feeling nga niya, pinaglalaruan na talaga siya nito eh. Bakit? Noong June 10, taong kasalukuyan, nakakita kasi ulit siya ng post tungkol sa berdeng librong yun. At yung post na yun, pinapakita kung gaano talaga kaganda yung book at dapat bilhin. Naiiyak na talaga siya! Gusto nalang talaga niya maghanap ng time machine at mag time travel. Pero imposible yun. Kaya ang ginawa nalang niya, nung June 11 ng madaling araw, sinulat niya ang mala-MMK niya na kwento at i-post sana sa group nila ang naging kwento niya. Ginawa niya yun para tuluyan nang mag move on talaga. At para ma-share ang super nakakaiyak talagang pangyayari sa buhay niya (Seryoso). Pero wala siyang internet ng madaling araw, kaya hapon nalang niya pinost sa group. PERO ULIT! Pagbukas niya ng peysbuk, may nakita nanaman siyang tungkol sa berdeng librong yun. Ang sunod na nangyari? Tuluyang nabaliw ang babae dahil sa berdeng librong yun. Yung berdeng libro na may magugulong letra, na hanggang ngayon ay di parin napapangalanan.
Nasabi ko na ba sainyong may sequel ang istoryang 'to? π
Noong October 9, taong 2016, pumunta siya sa suki niyang si Pareng Booksale para maghanap ng berdeng libro na matagal na niyang hinahanap. Nakakita kasi siya ng post na merong nakabundle na berdeng libro na nabibili for 200 pesos lang! Kaya sugod agad siya sa Mall. Pero binigo siya ng suki niyang si Booksale :( Pati ng ibang bookstore na pinuntahan niya. Pero para hindi naman siya umuwing luhaan, at para may masabi na nabili siya, bumili siya ng book na di naman niya alam kung maganda ba o hindi. Pero anyways, hindi sumuko si Ate girl para humanap ng berdeng libro na may magugulong letra. Dahil pabalik balik siya sa mall para humanap pero lagi siyang bigo.
Hanggang sa⦠Noong October 28, taong 2016, Nakakapanghimala talagang nakakita ang babaeng ito ng bundle ng Berderng libro na hinahanap niya sa suki niyang si Pareng Booksale! Dalawa sila tapos 200 pesos lang! O diba. Kaso may problema. Wala siyang dalang pera nung mga araw na yun :( As in wala talaga. Pero buti nalang kasama niya ang Mama niya! Pero may pinuntahan lang na iba. Kaya isang oras siyang nakatunganga sa loob ni Booksale. Binabantayan ang naka bundle na berdeng libro para walang ibang makakuha. Pwede na nga isipin ng mga nagtatrabaho dun na naghihintay lang ang babae yung ng pagkakataon para makapag shoplift. Lol.
Pero bago pa siya napalayas ng mga nagtatrabaho dun, dumating ang nanay niya at binigay sa kanya ang hinihingi niya na sapat na pera para mabili ang berdeng librong yun!
Umuwi ang babae ng masaya at kinikilig. May bonus pa nga eh. Dahil napansin siya ng new peyburit otor niya! Nag post kasi si Ate Gurl ng mga feelz niya about sa book. Sa di inaasahang pangyayari ay nakita ito ni Ms. Otor! Hihi.
So kuryos na ba kayo kung ano yung Berdeng Libro na may Magugulong Letra? Ako din eh. Ano kaya yun? Hmmmβ¦