Wattpad Presents: #AFGITMOLFMTV5 Opinion and Feels 💚❤💙 First of all, ang pangit ng shots ko. Gusto ko kasi talaga mag focus sa panunuod at hindi sa pagkuha ng shots. Haha. So ayun. . . Eto na. #AFGITMOLFMTV5 Feelz. Isang Nobela. 😂 Pic #1: Classroom Scene 😊 - Napili ko yan kasi. . . SYEMPRE! KILIG KAYA! 😂 Hinawakan lang ni Ianne mukha ni Nate, pero sobra-sobra na kilig ko! Like omg! Akala ko nga magki-kiss sila eh! Hahaha. Tas yung way pa ng pag tingin ni Ianne kay Nate, shiz! Alam na! Inlove beh! Hahaha. Pic #2: Break-up Scene 💔 - Shiz eto! I hate this scene! Di man nakikita sa pic, pero ang nakasulat diyan ay "Break na tayo". Eto yung mga panahon na pinili ni Nate na pakawalan si Ianne dahil sa tingin niya ay ito ang nakakabuti para sa kanilang dalawa. Ito ang naging simula ng lahat. Nang dahil sa break-up na 'to, may mga nangyari na hindi inaasahan. Kagaya ng paglalapit ni Ianne at ng isang taong kung tawagin nila ay "Emotionless Guy". Pic #3: Pag-comfort ni Art kay Ianne Scene 💚 - Alam ko sa sarili kong loyal #TeamNate ako. At madalas biased ako kasi puro ako Nate. Pero dahil sa scene na 'to. Sa pangyayaring 'to, nakuha ni Art ang puso ko. Naging #TeamArt tuloy ako kahit sandali lang. Pinaramdam niya kasi saking kailangan kong kainggitan si Ianne kasi meron siyang isang katulad niya. Hayy. Ang sarap tuloy maging si Ianne sa scene na 'yan. Sarap maramdaman na may kasama ka habang brokenhearted ka. Tas gwapo pa. O diba. Haha. Pic #4: Nalaman na ni Ianne ang Totoo Scene 😢 - Ito. Itong scene na 'to talaga ako sobrang humanga. Ang galing ni Myrtle! As in! Feeling ko nga naka-nganga ako habang pinapanuod 'tong scene na 'to. Shock ako at the same time hurting. Nasasaktan ako para kay Ianne! Habang pinapanuod ko si Myrtle na nasasaktan, pati ako nasasaktan. Sabihin niyo ng OA, pero ganun naramdaman ko. Kagaya ng naramdaman ko nung binasa ko siya sa book. Nag-iba man ang setting, nag-iba man ang ibang lines, ganun parin ang feeling. Mas nadagdagan pa nga ata eh. Kaya kahit marami nang nagsabi nito kay Myrtle, gusto ko parin sabihin. Thank you sa pagbibigay ng justice sa character ni Ianne! 😘 Thank you talaga ❤ Pic #5: Dying Nate Scene 😭💔 - Isa pa 'tong ayaw kong scene eh! Pero at the same time, fav scene na di ko makalimutan. Si Nate yan eh. Yung lalaking nagpatibok ng puso ko dahil sa korniness niya. At opo! Iniyakan ko ulit siya. Kagaya ng ginawa kong pag-iyak sa book. Yung tipong habang pinapanuod ko ung scene, di ko alam kung kukuhanan ko ba muna ng picture o iiyak muna ako. Hahaha. So ayun, kagaya ng madalas kong sabihin, kahit ilang beses mang mamatay si Nate sa iba't-ibang version ng AFGIT. Sa wattpad man, sa published book, o maski sa TV, bubuhayin at bubuhayin ko siya gamit ang mga dragon balls-- ay este, mananatili parin siyang buhay sa puso't isipan ko. And never be forgotten just like the other characters of the book 😊 Pic #6: Ending ❤💚 - Ang ganda ng tinginan nila Ianne at Art dito. Kasi alam mong nay pinapahiwatig. Plus pa yung ganda ng ngiti ni Ianne kay Art. Ang ganda diba? Malalaman mo talagang sila. Nagmamahalan sila. Sila nagkatuluyan. Plus, ang ganda ng camera angle dito? Di man kita sa picture, pero ang ganda talaga. Ang swak? Haha. Basta ang ganda! Ang galing ng pagkakagawa ng ending. 😍😘 Pic #7: Sketch ni Art 💚 - Gusto ko yung fact na pinakita nila ung sketch ni Art. Yung talent ni Art sa pagguhit dahil sa photographic memory niya. Ibig sabihin, hindi yun kinalimutan. Hindi tinanggal yung talent na yun. 😍 Isa yun sa mga hinahangaan ko kay Art sa book. Na kahit #TeamNate ako, super kras ko si Art dahil magaling siya mag drawing! Haha. I'm so glad talaga na di inalis yun, at nilagay nila sa TV Movie 💚 Yey! Thank you 😘 Pic #8: PILOSOPOTASYA 💚 - Ang sarap kasi makita ng pangalan ni Ate Ulan sa TV? Hahaha. Kahit hindi naman 'to scene, gusto ko lang i-share yung pic. Hahaha. Nakaka-proud kasi na kahit hindi naman ako si Pilosopotasya at reader lang naman ako, still, proud pa rin ako. Fav otor ko yan eh 💚 Tas Fav book ko din yung pinalabas na TV Movie 💚 Sabihin mo sakin kung di ka ma-proud. Haha. Ang dami na din nag sabi nito pero, Congrats ulit! 😘 Sa wakas! Tapos na ang isang linggong paghihintay. Humupa narin ang kaba. Ang ganda ng kinalabasan. At nag trending tayo! Yey! 😍 *sabog confetti* Overall Opinion? - Unang-una trailer palang, ang ganda na. Kaya nga isang linggo kaming hyped at halos patayin ang replay button eh 😂 Pangalawa, kung hindi ko lang alam na si Ianne at Art ang end game, maniniwala akong sila Ianne at Nate talaga. Like omg! Kasi tignan niyo naman yung first part! Ang sweet nila! Huhu! Nakaka-bitter! Hahaha! Pinaparamdam nila sayong, ang sarap mag mahal pero at the same time, sinasabi nilang, "Mainggit kayo! May lablayp kami!" De charot 😂 Basta lakas nila maka bitter. Leche. Hahaha. Pangatlo, si Art. Ang funny ni Art! Hahahaha! 😂 Yung naka poker face naman siya pero di mo mapigilang matuwa at tawanan siya. Yung facial expressions niya ang qt! Hahaha. Pero kahit qt siya, alam mong Art parin. Snobber eh. Tas sungit! Hahaha. Pang-apat, cinematography. Ang dami nang nag-sabi na ang ganda. Papahuli pa ba ako? ANG GANDA NG CINEMATOGRAPHY! NO CHILL MGA BEH! HAHAHA. Pang-movie talaga na big-screen yung pinakita nila! Shiz! Tapos nung mga panahon na, trailer palang pinapalabas, nagandahan na ako! Kaya nga napa-search ako bigla sa D5 Studio eh 😂 Napanuod ko yung Forever Sucks! Ep 1 palang ako pero shiz talaga! Kung hindi lang ako busy, tinapos ko yun 😂 (Okay. Off topic ko 😂). Pang-lima, casting. Alam ko din na ilang beses nang sinabi na bagay sakanila ung roles, pero sasabihin ko ulit. . . SHEMZ! ANG GALING NG NAMILI NG CAST! SWAK NA SWAK SA CHARACTERS!? SINO BA NAMILI NG MAPALAKPAKAN! 😂 Seryoso ako! Ang galing lang kasi talaga bagay nila ung roles! Si Nate or should I say Kino, hindi ko siya kilala. Never kong nakita sa TV. Fresh face. Pero shocks! Kahit baguhan siya, ang galing niya! Nabigyan ng justice si Nate! Nakuha niya si Nate! Kung inlove na ako kay Nate sa book, mas na-inlove ako sakanya ngayon sa Live Action! My ghaaad! Huhuhu. Kinikilig parin ako ngayon :> Si Ianne naman, or mas kilala sa tawag na Myrtle. Ang galing niya mag Ianne! 😍 Solid talaga! Yung scene na nalaman niya yung about sa bayaran na kaganapan? Yung iyak niya dun? NAIYAK DIN AKO! SHEMZ! YUNG TIPONG DI KO NA ALAM KUNG SINO PAPANIWALAAN KO. YUNG PUSO KO NAGUGULUHAN! GANERN! Ang qt niya pa! Ang kulit lang! 😍😂 Tas si Art! Or a.k.a Richard. Ngayon ko lang siya nakita um-acting! Shizzz! Parang natural lang ginagawa niya. Hahaha. Natural siyang pokerface at natural na snobber. Parang natural lang lahat! Di um-acting! Ganun! Grabeeeeee! Kuhang-kuha ung sungit ni Art! Kahit medj bulol siya, okay lang. Coz he's such a cutie :> 😂 Pang-anim, ang dami na ng sinabi ko 'no? Pero may ihahaba pa 'to. Iba siya sa book! Iba talaga! Pero alam mo yung kahit iba siya, iba yung lines, settings, alam mong yun parin yung #AFGITMOLFM na binasa ko sa Wattpad, at sa Published books. Yung feelz ko ganun parin at mas nadagdagan pa. Pagkatapos ko siyang panuorin, iba na nga yung pinapalabas sa TV eh. Pero nakangiti pa rin ako. Tumatawa? Namamangha? Nababaliw? Hahaha. Yung tipong gusto ko ulit bumili ng ticket kasi shiz! Gusto ulit panuorin! Ganun! KAYA KUDOS SA LAHAT NG BUMUBUO NG #AFGITMOLFMTV5 PARTY TAYO! 😍 HAHAHA. CONGRATS! CONGRATS FOR A JOB WELL DONE! 😘 Pang-pito, GUSTO KO SIYA PANUORIN SA SINEHAN! HAHAHAHA. Pang-walo, wala na talagang pang-walo. Gusto ko lang lagyan kasi 8 :> July 8 :> Hihihi. Sorry sa mahabang lintanya. Sumabog na kasi feelz ko. Kulang pa nga yan eh! Hahahaha. 💚❤💙 PS: Partida, wala pang kissing scene yan 😉 PS ulit: I already posted this on my Instagram account for Ate Ulan's giveaway but I just feel like posting it here again. Lol. 😂