Happy 28th Birthday Babe! And Happy 1st Birthday to US!Â
Hindi naman natin sinadya na maging double-deal-celebration-birthday-anniversary ang November 18. Nangyari na lang. I remembered nung mga times na we’re exchanging i love yous pero hindi pa natin alam kung tayo na ba? Yung may nararamdaman ka na sa akin pero hindi mo alam ang gagawin kase may sabit ka pa? Na mahal mo na ako at mahal na kita pero hindi pa pwede kase bitter pa sys? Na takot na takot ako kasi inisip ko ang sasabihin ng iba? Na everyday may i love you galing sayo pero hindi ko alam na, teka kami na ba? Na kung tayo na nga e hindi din natin alam kung ano ang anniversary date natin. And boom! Bigla na lang naisip na “Ah sige November 18 na lang”. Nung sumapit kasi ang araw nato hindi ko alam which will come first, yung anniversary ba or yung birthday? Pero kahit na, alam ko namang matagal ka ng may crush sa akin, kaya sinagot na agad kita. Di ko nga matandaan kung niligawan mo ako, bigla mo na lang pinagtapat ang feelings mo na sinabi mo mahal mo na ako, ang bangis mo sa part na yun. At wag ka mag-alala, kilig na kilig ako noon, at syempre hanggang ngayon.
Kahit dumating ako sa buhay mo sa maling pagkakataon, at nagparamdam ka sa buhay ko sa maling sitwasyon (sabi nila). Sigurado tayo. Sigurado tayo na gagawin nating tama. Na wala tayong aapakan na tao. Na wala tayong masasagasaan. Pero hindi din natin naiwasan na may masasaktan at may makakasakit (hindi lang tayo kase masakit din sya magsalita), syempre nasaktan na din tayo before kaya expected natin na ganun din ang mararamdaman ng kung sino mang may karapatan. Nangyari ang mga pagkakataon na nagtatago tayo sa mga barkada mo kase baka tayo mabisto (pero syempre single ka na nun haha). Naranasan ko matawag na magnanakaw mangaagaw o kahit na ano, minsan nga “living demond” with D daw ako. Tapos yung ex mo nagsumbong sa ex ko kaya lalong gumulo (oo kase inaway din ako ng ex ko). Nakakaawa daw ang ugali ko, at mayaman lang daw ako kaya ako ginusto. Na kaya daw ako nagustuhan kase may pautang daw ako (issue nun ata pagiging mayaman). Well to tell her/them this, hindi po ako mayaman. Simpleng tao lang din ako, baka kase sa pagdadala lang yan. Nakakatawa diba, kase sa likod ng mga salitang yun e dun ako pinatibay, dun ko kinuha ang lakas ko na ipakita kung kanino man or kung tao ba sya na hindi yun yon, na kaya mo ako naging gusto kase eto ako (syempre bonus na pagiging maganda ko) hahah. Kahit na sinabi nya na inagaw kita, sorry kase baka may nakita lang sakin na wala sa kanya. O kaya baka naman nagsawa ka na (sa totoo lang hindi ko na kailangan alamin ang dahilan). O baka naman sa ilong ko? Sabi nga nila magpa tattoo narin ako, hell no sabi ko, hahah. And then i quote “You’ll regret stealing what’s mine” sabi nya. Juice colored! Wag ka mag-english pag galit ka. Apektado ang lahat, hahah. Ginawan naman natin ng paraan para maging okay ang lahat pati sa mga friends mo friends nya friends nila, eventually okay naman. Not super okay pero okay naman. Dumating ang mga pagkakataon na nagkukrus ang landas namin ng ex mo at nagkukrus landas nyo ng ex ko, at nagkukrus landas nating tatlo, comedy kasi ampalaya tayong lahat. Sorry babe na imbes anniversary message or birthday message e eto yung mababasa mo. Okay lang yun, di din naman talaga kami nging friends ng sirena, pero sorry kasi nasira ang friendship niyo ng dati mong super friend. Okay lang yan, kase sabi nila, “time heals all wound” isama narin natin yung “time will tell” hahahahah. Ang mahalaga humingi ka ng tawad, dun lang sa taong nagawan mo ng kasalanan at may atraso ka. Mabuti kang tao Dennis, at alam ko hindi mo intented makasakit at manakit ng kapwa mo.
Ang dami kong naranasan kasama ka, sa edad kong 21 simula nung makasama ka ang dami kong “first”. First ng ganito ganyan at ganoon. Daig ko pa nga ang tumama sa lotto (totoo babe haha). Minsan lagi kitang inaaway at iniisip nila at ni ikaw na binubully kita, sorry babe ha. Baka ganun talaga ako, super-mega expressive sa feelings ko. Yung pakiramdam na sa mga maliliit na bagay e nasusurprise mo ako. Yung mag oovernight tayo sa isang hotel-casino na nakakagulat kase grabe haha. Na kahit matanda na ako parang baby parin sa piling mo. Ipagbubuhat mo ng bag, ipaglilinis ng sapatos, ipaglilinis ng kuko, ipagbubunot ng buhok sa kili-kili, ipag kikilay, ipagliligpit ng kwarto, ipagluluto ng paboritong pagkain, ipag gagayak ng gamit, ihahatid, isusundo, bubuhatin, papakainin, papaliguan, papatulugin ang dami. Sobrang dami. Tapos pag inaaway kita hinding hindi, ni isang beses, hindi mo ako pinatulan, sinuklian mo pa yun ng paguunawa at pagmamahal. Ngayon ko lang nasabi sa sarili ko na ang swerte swerte ko pala, akala ko wala ng katulad mo sa mundo, na akala ko nasa fairy tale lang ang mga prince charming, yun pala ikaw pala talaga ang tinatawag na boyfriend at ako ay nasa isang fairy tale. Hindi ka man ubod ng pogi e para sa akin ikaw na ang pinaka pogi. Ikaw ang leading man ng buhay ko, ikaw si Lee Min Ho at Ian Somerhalder and syempre Jensen Ackles na crush na crush ko (hihigit ba sila sayo? OO, haha). Akala ko naubos na ang tulad mo, akala ko naubusan na ako. Kaya ang pasasalamat ko naman kay Lord na binigyan pa niya ako ng tulad mo. ’Kaya girls kung nababasa nyo to, wag nyo isipin na ang boyfriend nyo ngayon ang forever nyo.” Si God lang ang nakakaalam nun. At kahit hindi ikaw Dennis ang maging forever ko, gabi gabi araw araw minu-minuto ko ipagppray kay Lord na sana ikaw na ang forever ko, tiwala lang kay pareng nasa itaas.
Kaya si Dennis na madaming pimples, madaming buhok, maputi at ubod ng puti, singit at kili-kili sobra parin sa puti. Yung lalaking singhot ng singhot aching ng aching at laging papikit pakit kase laging kumakati ang mata. Ikaw ang lalaking sobrang lambing, laging naka kiss, naka yakap, naka yapos, naka hawak naka dikit lahat ng pagmamahal na alam mo pinapakita mo. Napaka galing mo pang magluto (minsan lang). Ang daming dahilan para mahalin ka, ang dami mong positive traits at syempre may negative din na unang dahilan kung bakit minahal kita. Mas minamahal kitang sobra sa tuwing nakikita ko yung side na yun ng pagkatao mo. Yung mga bagay na nagagalit ka pero ang cute cute mo parin. Mahal na mahal kita sa kahit na anong level. Salamat babe kase para kang si mommy ko at papa ko na daig pa ang parents ko kung makapag bawal sa akin lumabas (nakakinis na nakakakilig) wag na wag mo babaguhuin yun babe.
Ang dami nating pinagdaanan na sumubok sa pagkatao natin at sumubok sa relasyon natin. Alam mo na ang ibig ko sabihin (alam mo na yun babe). Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay na binigay mo sa akin maliit man o malaki, sinasadya man o hindi. Sa pagiintindi mo sa ugali ko at sa paguunawa mo sa mood ko na hot n’ cold (sabe ni Katy Perry). Hinihiling ko na sana patibayan pa ni Lord ang relasyon natin at wag na wag kang magsasawa na mahalin ako at ganun din ako sayo. Nalulungkot ako isipin na darating na ang pagkakataon na aalis ka na at magiging totoong jellyfish ka na kase nasa barko ka na. Wag na wag ka mambababe dun babe, pangit at bad yun e. May naghihintay sayo sa lupa, ako yun na isang diwata, hahah. At syempre alam mo naman marami nagkaka crush sa akin magpapaka behave naman ako babe, hahah. Mahal na mahal kita at lahat ng bagay na hindi ko nasusubukan e susubukan ko na para mag work ang relationship natin. I’m willing to take the risk. Basta ikaw Dennis, hindi ako matatakot na subukin ang imposible para sa akin. Baby pa ako alam mo yan, at kahit magkasama tayo, tanggap mo ang pagiging baby ko kase ikaw mismo binbaby ako.
Mahal na mahal kita Koya Dencio. Happy First Birthday sa ating dalawa. Sana madami pang pagkakataon na iccelebrate natin to. Hindi ito imposible kase gagawin natin ang makakaya natin.
Simula pa lang ito ng kwento ng buhay natin. Maraming marami pang buhay ang gagawin natin na magkasama. Marami pang ala-ala ang lilikhain natin na maiikwento natin sa mga magiging apo natin pag tanda natin. Syempre gusto ko tumanda na kasama ka. Pag nakikita ko ang Lolo at Lola mo, ang Daddy at ang Mommy mo. Syempre gusto ko maging tulad din tayo nila. At pagtutulungan natin yun.Â
HAPPY HAPPY BIRTHDAY DENNIS! HAPPY HAPPY ANNIVERSAY BABE! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. KAPIT TAYO, MAGKAKAMPI TAYO.Â