Malayo ako sayo noong sinabi mo sakin na hindi mo na ako mahal. Mahirap man isipin, pero siguro sinadya mo yun, para hindi ako makatakbo sayo, para hindi ako mag makaawa sa harapan mo.Â
Sabi mo sakin na hindi mo matangap ang nakaraan ko, pero diba nag bago na ako noon? Alam na alam mo yun, ilang beses ko na naipakita sayo na hindi na ako yung dati, na wala na akong balak balikan kung ano man ang naging landas nang buhay ko noon. Pero ano? Hindi ka naniwala sakin.Â
Sabi mo sakin na may nakilala kang bago, anong naging pag kukulang ko sayo? Minahal kita, nang sagad sagad, binigay ko sayo lahat nang mga hinihiling mo, hindi naman siguro ako nag kulang, diba? Pero bakit nakuha mo parin maghanap nang iba? Hindi ba ako sapat?Â
Tandang tanda ko parin yung araw kung kailan sinabi mo sakin na hindi mo na ako mahal. Ayokong maniwala sayo noon, nag makaawa ako sayo through calls, texts. Pinaalala ko sayo na mahal kita, na nag mamahalan tayo. Pero anong isinagot mo? Hindi na. Hindi ako nakatulog noon, text ako nang text sayo, nag mukha na akong tanga pero hindi ako tumigil, hanggang umaga, ganon parin. Alam mo ba kung gaano kahirap para sakin ang ibaba ang sarili kong pride? Kilala mo ako, alam na alam mo yun. Pero ano? Wala, mas mataas at mas matibay pala ang pride mo.Â
Ilang taon din akong nag hintay bago ko malaman kung ano talaga ang tunay na dahilan sa pag iwan mo. Oo, alam ko na ngayon, naintindihan ko na. Pero paano ngayon yung halos 3 years kong pag momove on?Â