Dear you,
Noon, hindi ko maintindihan kung bakit mo ako sinaktan, kung bakit iniwan mo ako nang walang matibay na dahilan. Minahal kita nang sobra sobra at binigay ko sayo lahat nang makakaya ko, pero mas pinili mo pa talagang wasakin ako. Hindi ako mapakali noon, hindi ko maintindihan. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit mo sinayang ang lahat, kung bakit nagawa mong layuan ako. Alam mo kung gaano kita minahal, at alam mo din kung gaano katagal bago ako nakatayo ulit.
Ngayon, ako naman ang lumayo sa taong alam ko na mahal na mahal ako, alam kong binigay sakin lahat, alam kong nasasaktan at iniwan kong wasak wasak. Ginawa nya lahat para mapasaya nya ako, hindi sya kahit kailan nag kulang, pero nagawa ko paring sayangin ang pag mamahal nya sakin iwan nang walang matibay na dahilan. Ako ngayon ang tumatayo sa posisyon mo noon, at naiintindihan ko na kung bakit nagawa mo sakin yun.
Tama ang sinasabi nilang hindi mo talaga maiintindihan ang sitwasyon kung wala ka sa posisyon.
Ilang taon na ang nakalipas at ngayon ko lang naintindihan kung bakit mo ako iniwan noon. Hindi mo pinatagal ang relasyon naten dahil alam mong hindi mo din naman masusuklian ang sobra kong pag mamahal sayo noon, hindi mo mapapantayan ang nararamdaman ko at alam mo na mas makakabuti sakin kung lalayo kana lang.
Satisfied na ako. Hindi na ako galit sayo, hindi na magulo ang isip ko at higit sa lahat hawak ko na ang mga sagot na matagal ko nang hinahanap para sa mga tanong ko. Eto na siguro ang tinatawag nilang closure.












